

Nahaharap sa bagong hamon ang dating child star na si Zaijian Jaranilla sa kanyang adult role sa seryeng “Si Sol at Si Luna” na malapit nang mapanood sa Puregold Channel.
Sa nasabing digital series na idinirehe ni Dolly Dolu (The Boy Foretold by the Stars) ginagampanan niya ang papel ni Sol, isang film student na nabago ang buhay nang makilala niya si Luna(Jane Oineza), isang babaeng sawi sa pag-ibig.
Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas, mabubunyag ang magkasalungat nilang mga pananaw tungkol sa pag-ibig at pagkawala, na pinatindi ng agwat ng kanilang
edad.
“Masasabi ko lang na ang bago rito is kung paano ko inatake si Sol na di pa ninyo nakita sa mga nagawa ko,”aniya.
“Feeling ko ibang Zaijian ang makikita ng mga tao sa seryeng ito dahil alam ko na trinabaho ko siya. Gusto ko na makita ng mga tao iyong iba… na iyong image nila sa akin kasi na-stuck siya sa mga banal kay Bro. Gusto kong ipakita iyong ibang side naman ng pagpapakilig at saka iyong coming of age, “dugtong niya.
First time rin niya na sumabak sa matitinding intimate scenes sa serye kung saan ay literal na minukbang niya si Jane base sa trailer.
Sobra naman ang pagpapasalamat niya kay Jane sa naging suporta nito sa kanilang intimate scenes.
“Gusto kong i-commend si Ate Jane dahil sa pagsuporta niya sa mga ginawa namin. Alam ninyo naman na hindi madali iyong ganoon. Iyong pag-uusap. Iyong limitations sa mga bagay na iyon. Masyadong sensitibo iyong gagawin namin at di siya nagkulang,” pahayag niya.” Kaya nga iyong kaba noon is more of sa akin kesa kanya na di niya magustuhan, ” pahabol niya.
Sobra rin daw siyang saludo sa pagiging propesyunal ni Jane.
Ayon pa kay Zaijian, nakaka-relate raw naman siya sa kanyang role dahil minsan na rin siyang umibig.
” Oo naman. Sa edad ko ba namang ito, napagdaanan ko na rin iyon. Nakatulong din iyong pakiramdam para magampanan ko si Sol,” paliwanag niya.
Sa tanong naman kung ganoon siya ka-passionate humalik sa tunay na buhay, pilyo ang naging tugon ni Zaijian.
“Siguro ang masasabi ko lang ay marunong akong humalik,” sey niya.
Ayon naman kay Chris Cahilig, festival director ng CinePanalo Filmfest, layunin ng Puregold na ipanalo ang kuwento ng Pilipino.
“Puregold Channel aims to raise its bar again. This time, by showcasing stories that matter to every Pinoy in the mold of breakout digital hits like” My Plantito” and “Ang Lalake sa Likod ng Profile,” ani Chris.
Ito rin ang bisyon ng Puregold Senior Marketing Manager na si Ivy Hayagan-Piedad.
“At its core, the series is about love-but not the kind of love that comes ‘easy’. It asks: Where do we find love? What do we do with it when it comes at the unexpected time? Luna’s story is about loving through grief. Sol’s is about loving through transformation. Whether love can survive both–that’s the question the audience will ponder on, “aniya.” With ‘Si Sol at Si Luna’, Puregold Channel is staking it’s claim as a powerhouse content studio – one that blends commercial value with creative boldness. This is where sharp writing meets honest emotion. Where full-length narratives meet bite-sized platforms. And where every Filipino, no matter where they are, can watch themselves reflected in stories worth telling, ” dugtong niya.
Nagpapasalamat naman si Direk Dolly na nabigyan ng espasyo sa Puregold Channel ang kanyang obra. “Lubos akong nagpapasalamat sa pagkakataong maisapelikula ang ‘Si Sol at si Luna.’ Ang saya-saya ko lang, lalo na’t libre itong mapapanood sa YouTube kaya mas malawak ang maaabot ng kuwento, ” bulalas niya. “Siyempre, masaya rin ako na ito ang kauna-unahang serye ng Puregold na mas malalim ang temang tinatalakay at damdaming inihahatid,” pagtatapos ng direktor.Bukod kay Jane, kasama rin sa cast ng pinakaaabangang serye ni Aling Puring sina Joao Constancia, Uzziel Delamide, Vaughn Piczon, Lyle Viray, Jem Manicad,Marnie Lapus at Atasha Franco.Ang pilot episode ng ‘Si Sol at si Luna’ ay mapapanood sa Puregold Channel sa YouTube simula sa Mayo 31.Ang mga sumunod na kabanata ay matutunghayan tuwing Sabado pagkatapos ng pilot.
