BATANGAS PROVINCIAL OFFICE, PDRRMO PATULOY PAG-AABOT NG TULONG SA MGA BATANGUENO NA NASALANTA NG BAGYONG ROLLY

Tiniyak ni Batangas Gov. Dodong Mandanas at PDRRMO Chief Lito Castro na mananatiling nakatutok ang Pamahalaang Panlalawigan sa sitwasyon ng probinsya pagdating sa kaligtasan at pangangailangan ng bawat mamayang Batangueno.

Isang mabilis na pagtupad sa tungkulin ang isinagawa ng Batangas PDRRMO ng magsagawa ito ng rescue operations sa mga naapektuhang lugar gaya ng Brgy. San Isidro, Tierra Verde Subdivision at Potenciana Village sa Brgy. Pallocan Batangas City.

Katulong Philippine National Red Cross-Batangas Chapter, Batangas City CDRRMO, Philippine Coast Guard, 202nd Brigade ng Philippine Army rescue teams at iba pang ahensiya ng pamahalaan agaran ang kanilang pagresponde at pakikipag-ugnayan sa mga apektadong pamilya.

Patuloy din ang mga nasabing ahensiya ng pagtanggap ng mga mensahe para mailigtas o mailikas ang mga naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *