GIANNIS, POSIBLENG LUMIPAT NA NG TEAM SA SUSUNOD NA SEASON

INAASAHAN na ang pagpapalit ng kulay ng jersey ni 2020 NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo sa susunod na season ng liga dahil posibleng isa sa alinmang koponan sa NBA ang kanyang magiging bagong koponan.

Bagamat naninindigan ang Milwaukee Bucks na hindi nila pakakawalan ang star player nila at hindi sila papayag na mapunta sa free-agent si Giannis, lumutang ang mga report na nais na nitong lumipat ng team matapos ang hindi magandang naging resulta ng kanilang kampanya sa katatapos na season.

At dalawa sa mga team ng NBA na lubhang intresado para makuha ang serbisyo ni Giannis ay ang mga koponan ng Miami Heat at Golden State Warriors.

Nabatid na una nang nag-alok ang Golden State ng isang makapal na deal kay Giannis at naghihintay na lamang umano ang team ng malinaw na sagot mula sa Milwaukee player habang napabalita na kasama dito ang trade package ng kanilang player na si Andrew Wiggins.

Isa pang may malaking interes para makuha si Antetokounmpo ay ang 2020 runner-up na Miami Heat at sinabing nakahanda na umano ang kontrata para kay Giannis at lagda na lamang nito ang kulang upang matuloy ang deal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *