BIDEN BEATS TRUMP

IDINEKLARANG nagwagi sa 2020 US elections ang Democrat candidate na si Joe Biden, ang ika-46 na Pangulo ng Amerika matapos makakuha ng 279 electoral votes kontra sa 214 electoral votes na nakuha naman ng kanyang katunggali na si incumbent President Donald Trump.


Ito ay naganap isang oras matapos ang anunsyo ni Trump sa Twitter at Facebook ng ” I WON THIS ELECTION, BY A LOT! “


“It’s time for America to unite. And to heal. We are the United States of America. And there’s nothing we can’t do, if we do it together.”  “With the campaign over, it’s time to put the anger and the harsh rhetoric behind us and come together as a nation,” pahayag ni Biden.

Si Biden ay nakakuha ng kalamangan na mahigit 4 na milyong popular votes laban kay Trump at posible pang madagdagan ito hanggang matapos mabilang ang mga natitirang balota.  

Celebrating in Philadelphia on Saturday. 


Si Trump ang kauna-unahang incumbent president na natalo mula pa noong 1992 kung kailan nabigo si George W. Bush sa halalan.


Si Kamala Harris, isang senator mula sa California at isang dating presidential candidate ay nag-ukit ng kasaysayan bilang kauna-unahang babae na naihalal bilang bise presidente sa Estados Unidos.

Kauna-unahang black woman,Indian-American, at unang anak ng imigrante na naging vice president ng Amerika.

Relatives and supporters of President-elect Biden Jr. celebrated in Ballina, Biden’s ancestral village on the west coast of Ireland.


“After four long tense days, we’ve reached a historic moment in this election,” anunsyo ng anchor na si  Wolf Blitzer ng CNN 11:24 a.m. “We can now project the winner of the presidential race.” 


Matapos ang balitang pinaputok ng CNN, sinundan na ito ng  NBC, ABC and CBS at ang pinakahuli ay ang Fox News na nag-anunsyo ng 11:40 a.m.  

Isang pasaway na headline naman ng isang pahayagan sa US na matagal na umanong hindi natutuwa kay Trump ang may ganitong banner : YOU’RE FIRED!


“The media do not get to determine who the president is,” wika niya. “The people do, ” kantiyaw ni Senator Josh Hawley, Republican mula sa Missouri sa mga mamamahayag matapos ang panalo ni Biden.

“I know he’ll do the job with the best interests of every American at heart, whether or not he had their vote.” masayang pahayag naman ni Barrack Obama.


Ang selebrasyon sa buong bansa ay hindi lamang umano pagbubunyi para sa tagumpay ni Biden kundi pagdiriwang sa pagtatapos ng anila’y walang kabuluhang administrasyon ni Trump.


Nagkalat ang mga tao sa mga siyudad at iba’t ibang dako upang saksihan at makibahagi sa makasaysayang eleksyon ng kanilang bansa. 

Lahat ay maingay na parang nagdiriwang ng New Year’s eve sabi ng isang anchor sa television.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *