PDU30, MAGBIBIGAY NG PABUYA SA MGA MAGSUSUMBONG SA ANOMALYA SA PAMAHALAAN

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga government employees partikular ang mga nasa matataas na posisyon na ilayo ang kanilang mga sarili sa katiwalian at pangalagaan ang kanilang mga puwesto at maglingkod ng maayos sa pamahalaan.

Sa kanyang public address kagabi, muling nagpahayag ng kanyang galit ang pangulo tungkol sa isyu ng korapsyon sa gitna ng kanyang pagbabasa ng mga pangalan ng mga nasuspinde at nasampahan ng reklamong katiwalian, binalaan niya ang mga taga-gobyerno ingatan ang kanilang mga posisyon. 

” Do not ever think that you are indispensable in the scheme of thingsMaraming pilipino diyan ang mga walang trabaho, mga graduate at  mahuhusay…na, honest! Maraming walang trabaho ngayon kaya kayong mga taga-gobyerno may  trabaho,.. take care your position. Do not allow even a dent of anomaly na dumaan sa opisina mo…nagsasabi ako istrikto na ako ngayon. until at the end of my term. Pag may nakita ko na may ano ka…sisirain mo, maraming pilipino ang naghihintay, ” babala at paalala ng pangulo.  

At upang mas mapaigting ang paglaban sa katiwalian at korupsyon, hinimok niya ang lahat na isumbong ang mga madidiskubre nilang anomalya sa pamahalaan at pagkakalooban niya ng P50,000 hanggang P100.000 ang makapagsusuplong ng matutuklasang uri ng katiwalian partikular ang mga ghost projects.

Kayong mga walang trabaho, kayong mga casual na ilang taon na all you have to do is to let me know and may price ako. Pag meron kang malaking sindikato, ghost project ni director… I will give you 50,000. Bulong mo lang maski sino. Yung kaibigan mo. Wag ka nang magbigay ng pangalan. Sabihin mo lang yung kontrata, ” wika ng pangulo. “Pag malalaking contract, huwag mo na sabihin pangalan, ibulong mo lang na niluluto yan. I’ll give you 100,000.”

Sinabi ng pangulo na hindi niya ilalagay sa alanganin o masamang sitwasyon ang mga magbibigay ng sumbong at impormasyon tungkol sa anomalya sa gobyerno at ililihim niya ang anomang pagkakakilanlan ng mga ito.

“I will keep your identity secret until I reach my grave.  Hindi ko kayo bubukuhin, hindi ko kayo papasubo 

“At kung nalaman kayo… tapos hina-harass kayo, paalamin mo ako. I will deal with the devil. ‘Yan ang gusto ko. Bumaril ng tao na legal. Kaya kung inaano ka, tinatakot ka. paalamin mo ako. I would be happy to make you happy, ” pahayag pa ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *