BOLTS, HINAPIT SA DO-OR-DIE ANG SERYE KONTRA GINEBRA

INIHATID ni Reynel Hugnatan ang koponan patungo sa game 5 matapos pangunahan ang Meralco sa isang makitid na 83-80 panalo laban sa Barangay Ginebra na ginanap sa AUF Sports Arena at Cultural Center.

Dahil dito ay nabuhay ang pag-asa ng Meralco na tablahin ang mga eksperto sa pagsasabing hindi na nila matatakasan ang sumpang kontrapelo nila ang Barangay Ginebra at ito ang laging nagiging hadlang sa kanila para sa kampeonato.

Matagumpay na naitabla ng Bolts ang serye at ma-extend ito sa isang do-or-die match sa semifinals ng 2020 PBA Philippine Cup sa darating na Biyernes.

Nakasungkit ng long two si Hugnatan mula sa kick-out pass ni Newsome at nagbigay sa kanilang koponan ng isang manipis na 81-80 bentahe sa natitirang 15.1 segundo.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Ginebra na nakawin ang kalamangan sa huling pitong segundo, ngunit naroon si Raymond Almazan upang supalpalin ang atake ni Stanley Pringle sa gilid at napanatili ang kalamangan ng Meralco. Sinelyuhan ni Newsome ang panalo sa pamamagitan ng isang wide open lay up kabilang dulo.

Sinubukan ni LA Tenorio na dalhin ang laro sa obertaym matapos sa pamamagitan ng isang Hail Mary shot sa half court ngunit kinapos ito.

Pinangunahan ni Hugnatan ang opensa ng Bolts na may 19 puntos mula sa bench. Nagtapos sina Newsome at Cliff Hodge na may tig-16, habang si Almazan ay umiskor ng 11 puntos at tatlong board.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *