FOOD DELIVERY BOY HULI SA PAGPUPUSLIT NG DROGA

HULI ang isang food delivery boy dahil sa pagtatangka nito na magpuslit ng iligal na droga sa Davao City Jail araw ng Huwebes.

Naaresto ang suspek bandang alas 2:30 ng hapon habang siya ay isinasailalim sa pag-iinspeksyon ng mga jail guards kung saan napansin na tampered na ang mga dala niyang gamot na sinasabing para sa kanyang tiyuhin na nakapiit sa loob ng kulungan.

Napuna umano ng mga bantay na may nakadikit na scotch tape kaya binusisi ang laman nito kung saan nadiskubre na may laman palang hinihinalang shabu.

Nakumpiska mula sa suspek ang may 17 sachets ng mga iligal na droga na nagkakahalaga ng P27,000 na nakasilid sa totoong gamot.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *