PAMAHALAAN, KUMPIYANSA NA KAYANG PANGASIWAAN ANG 10M COVID-19 TESTS SA FIRST QUARTER NG 2021

Kumpiyansa ang gobyerno sa makakamit nito ang inaasam na target na pangasiwaan ang 10 million COVID-19 tests sa unang kwarter ng taong 2021.

Ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon na ang Pilipinas ay nakapagsagawa ng mahigit na 6.5 million tests at malapit ng makamit ang target sa mga susunod na buwan.

“Simula noong isang laboratoryo lamang noong Pebrero noong nagsimula tayo laban sa COVID-19, halos 200 na po ang labs natin sa buong bansa,”

“At dahil nga po diyan eh iyong ating testing na nagawa eh talagang napakalaki na po ng itinaas. Ngayon po eh mahigit 6 na milyon na, mahigit o 6.5 million na ang na-test.”

Ngunit sinabi din niya na kailangan pa ring pagbutihin ang testing capability ng bansa at ilagay ang mga testing laboratories sa maraming mga lungsod sa buong bansa.

“Pero iyong testing natin, napakalaki na ng ini-improve pero kailangan pa rin nating taasan lalo na sa mga siyudad na wala pang mga testing labs tulad ng mga siyudad. Halimbawa, sa Mindanao, tulad ng Tagum, ng Digos, ng Bislig sa Surigao, Dipolog sa Zamboanga, Valencia sa Bukidnon. Sa Visayas, sa Borongan. Sa Bicol Region, sa Sorsogon City,”

“Iyan kailangan nating lagyan pa ng mga laboratoryo iyan para pati sila ay ready rin kapag nagkaroon ng mga pagdami ng kaso” pagatapos ni Dizon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *