JOINT PROBE NG PDEA, PNP PINATIGIL ; NBI, INATASAN NI PDU30 PARA SA PATAS NA IMBESTIGASYON SA INSIDENTE

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na ihinto ang joint probe ng binuong board of inquiry at sa halip ay inatasan nito ang National Bureau of Investigation (NBI) na tanging investigating body na magsisiyasat sa naganap na barilan sa pagitan ng PDEA at PNP  sa Commonwealth Avenue, Quezon City upang matiyak ang ” impartiality.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque,nagbigay ng instruction ang pangulo sa PNP at PDEA para pahintuin ang board of inquiry sa pag-iimbestiga sa naganap na insidente noong Miyerkules kung saan apat katao ang nasawi at 3 iba pa ang nasugatan.

“Nagdesisyon na po ang Presidente na tanging ang NBI lang po ang pwedeng mag-imbestiga sa putukan na nangyari sa panig ng pulisya at kapulisan sa Quezon City,” pahayag ni Roque sa isang  video clip na ipinadala sa mga mamamahayag..

“‘Yung mga binuo pong joint panel para dyan na binuo po ng PNP at PDEA ay hindi na tutuloy sa kanilang imbestigasyon,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Roque,  ang  NBI ang may mandato upang imbestigahan particularly where men in uniform are involved to ensure impartiality.”

Ang joint panel sa pagitan ng PDEA at PNP ay binuo noong Huwebes upang malinawan kung ano ang tunay na nangyari noong Miyerkules ng gabi sa may Ever Gotesco mall at kung bakit nasangkot sa halos isang oras na gunfight ang kanilang mga ahente sa una nang sinasabing legitimate buy bust operation. 

Ang naturang pangyayari ay nagdulot ng takot sa mga motorista at mga tao na nasa lugar malapit sa shopping mall bagama’t wala namang napaulat na nasugatang sibilyan.

Sina PNP chief Debold Sinas at PDEA director general Wilkins Villanueva ay kapwa nagbigay ng katiyakan sa publiko na wala silang papanigan sa pangyayaring ito upang mabigyan ng hustisya ang mga nasawing alagad ng batas na namatay habang tumutupad ng kanilang mga tungkulin.

Sampung police officers at pito mula sa PDEA na direktang kasama sa naganap na shootout ang isinailalim sa restrictive custody habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Nakatakda ring magsagawa ng kani-kanilang sariling imbestigasyon ang Senate commitee on public order na pinangungunahan ni dating PNP chief at ngayon ay senador Ronald ” Bato” Dela Rosa at House committee on dangerous drugs board sa pangunguna ni Congressman Robert ” Ace” Barbers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *