MITCHELL, CLARKSON, BUMIDA SA PANALO KONTRA GRIZZLIES

SI Donovan Mitchell ay simbangis ng leon sa first quarter at si Jordan Clarkson ay nagwala sa second quarter at ang Utah Jazz ay hinamig ang kanilang ikalabinsiyam na diretsong panalo sa kanilang teritoryo matapos padapain ang Memphies Grizzlies, 126-110 sa isang palabas na may dalawang bida.

Si Mitchell na bumaklas ng career-high na 28 points sa first half at nakapagtala ng 35 puntos sa kabuuan habang si Clarkson na parang sinaniban ng kung ano sa second quarter ay nag-ambag ng 28 points katulong impresibong double-double performance mula kay Rudy Gobert sa kanyang 16 points at 14 rebounds.

Si Ja Morant ay nakakuha lang ng 12 points habang si Kyle Anderson ay may 16 points sa panig ng Grizzlies.

Ang kumbinasyon nina Mitchell at Clarkson sa first half ay bumuo ng 48 points sa first half na naging pundasyon para sa kanilang magaang na panalo.

Ang Grizzlies ay dalawang sunod na nabigo kontra Jazz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *