BILANG NG NASAWI SA HAMAS-ISRAEL VIOLENCE, 229 NA

Gaza violence: 40 killed, more than 200 wounded in relentless Israeli  airstrikes and Hamas rocket barrage | Arab News
Palestinians go on strike as Israel-Hamas fighting rages | Daily Mountain  Eagle
Israel-Palestine conflict: IDF strikes Hamas tunnels in Gaza, world leaders  call for de-escalation, World News | wionews.com
Israel-Palestinians: Photos show rising violence amid rocket attacks

UMABOT na sa 217 palestinians ang namatay kabilang ang 63 bata habang  12 na ang naiulat na nasawi sa Israel kabilang ang 2 bata at may 1,400 katao na ang sugatan sa patuloy pa ring walang katapusang bombahan at mga pag-atake sa pagitan ng magkabilang kampo sa kabila ng mga panawagan ng mga karatig bansa sa rehiyon at ng buong mundo.


Sa kasalukuyan ay tinatayang nasa 450 buildings ang nawasak sa Gaza Strip kabilang ang mga hospital at iba pang mga health care centers.


Ayon sa Israel, umabot na sa 3,450 rockets ang pinakawalan mula sa Gaza at ang karamihan dito ay naharang at pinabagsak ng Iron Dome air defense system habang ang iba pa ay di naman direktang nakarating sa target.


Nagsimula ang mainit na pag-atake ng Hamas sa Israel noong nakalipas na Lunes bilang tugon sa anila’y pang-aabuso ng mga Israeli sa mga Palestinians sa Jerusalem noong Muslim Holy month ng Ramadan. 


Ilan sa mga lugar na pinaulanan ng rockets ay ang mga siyudad ng Ashkelom, Beersheba, Ashdod na naging sanhi upang magsilikas ang mga naninirahan doon dahil sa matinding takot na madamay sa madugong bombahan.

Ayon sa mga Israeli leaders, magpapatuloy pa rin ang kanilang mainit na opensiba laban sa Hamas at Islamic Jihad at buo umano ang paniniwala nila na may 12,000 missiles at mortars pa ang arsenal ng militanteng grupo sa Gaza.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *