PACQUIAO, PINALITAN NI CUSI BILANG PANGULO NG PDP-LABAN PARTY

PORMAL na pinalitan ni Energy Secretary Alfonso Cusi si Sen. Manny Pacquiao bilang pangulo ng PDP-Laban party matapos siyang ihalal sa ginanap na national assembly sa Clark, Pampanga na dinaluhan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang Chairman naman ng partido.

Pinangunahan din ni Pangulong Duterte ang oath-taking ng mga bagong opisyales ng PDP-Laban kung saan ay ipinahayag din niya ang kanyang buong suporta kay Sec. Cusi na pumungos sa anumang pagtatangka pa nina Sen. Pacquiao, na dating acting president ng partido at kapanalig nito na si Sen. Koko Pimentel na anak ng founder ng partido na si dating senador Aquilino ” Nene” Pimentel Jr na kontrolin ang buong partido na ngayon ay pinamumunuan ng pangulo ng bansa.

” Ang nagkamali diyan si Koko, hindi si Pacquiao. Pacquiao does not know anything. Hindi naman nagbabasa ‘yan e. Basta kung ano lang sabihin ng mga ano niya sunod,” wika ng pangulo. 

Kaugnay nito, ang mga miyembro naman ng PDP-Laban na sumusuporta kay Sen. Pacquiao ay nagsasabing ang ginanap na national assembly ay iligal.

Si Pacquiao ay kasalukuyang nasa Amerika ngayon at nagsasanay para sa paparating niyang laban sa susunod na buwan kontra Errol Spence Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *