GOLDEN STATE WARRIORS 2022 NBA CHAMPION

GOLDEN STATE WARRIORS 2022 NBA CHAMPION

Steph Curry, Warriors beat Celtics to win seventh NBA title | Inquirer  Sports
Steph Curry, Warriors beat Celtics, win NBA Finals - Golden State Of Mind

NAKAMIT ng Golden State Warriors ang kanilang ikaapat na korona sa liga sa loob ng walong taon matapos na tanghaling kampeon sa 2022 NBA Finals makaraang payukurin ang Boston Celtics, 103-90 sa Game 6 sa TD Garden.

Matapos lumamang ng 12 puntos sa kaagahan ng first quarter, nagpasabog ng 11-0 run ang Warriors upang maagaw ang kalamangan, 27-22 sa pagsasara ng yugto.

Ang second quarter ay naging mas mainit para sa GSW nang makapag-ukit sila ng 21 puntos na abante, 54-33 may dalawang minuto pa mahigit sa yugto matapos maipasok ni Klay Thompson ang isang three point shot.

Ang kabuuan ng second half ay higit na naging pabor sa Warriors na naging mas mabangis sa opensa at nagpamalas ng matinding determinasyon upang tapusin na ang serye sa TD Garden at para maiuwi na ang titulo sa kanilang pagbabalik sa San Francisco.

Si Steph Curry na tinanghal din na Finals MVP at itinuturing na puso’t kaluluwa ng Warriors ay napaupo at napaiyak habang unti-unting nauubos ang mga segundo sa orasan patungo sa kampeonato.

“You hit rock bottom with injuries and the long road ahead… never take this for granted because you never know when you’ll get back here,” pahayag ni Curry sa post-game interview.

“To get back here means the world.”

Si Curry ay may nagawang 34 points habang si Jordan Poole ay nakapag-ambag ng 15 points, tig-12 points mula kina Thompson at Draymond Green.

Si Jaylen Brown ay nanguna sa panig ng Boston sa naitalang 32 points.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *