DIREK JOEL LAMANGAN, NASAWI PERO NAGWAGI

DIREK JOEL LAMANGAN, NASAWI PERO NAGWAGI

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

KASABIHAN nga na ang Pasko ay para sa mga bata kung kaya nabuo ang Metro Mania Film Festival para masayang makapanood ang buong pamilya ng mga pelikula tuwing Kapaskuhan.

Pero nagbago ang lahat ng tamaan ng pandemya ang bansa, naging matamlay ang mga tao sa panonood ng mga pelikula ng MMFF. Ngayon Pasko isang kakaibang official entry para sa Metro Manila Film Festival ang magiging alternatibong panoorin ngayon ng mga adult moviegoers na nakasanayan nang manood kasama ang mga bata,

Maituturing na isang pampamilyang pelikula pero may kakaibang kaganapan na nangyayari sa pamilyang ito.

The movie is, “My Father, Myself” kung saan ay nakatanggap ito ng R18 mula sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. Pero hindi naman ganun kadali para sa MTRCB committee na patawan ng ganun rating ang “My Father, Myself” dahilan sa matinding pagpapaliwanag ng direktor ng naturang pelikula na si Direk Joel Lamangan at pinagbibidahan naman nina Jake Cuenca, Sean de Guzman at Dimples Romana

“Ang lahat ng pelikulang Pilipino ay pinapasok sa MTRCB upang kanilang i-classify. Walang hindi pinapasok. Ang hindi lang pinapasok ay yung mga hindi pinapalabas a mainstream theaters. Dahil MMFF ito, ipapasok ito sa MTRCB. Ako ay dating deputy sa MTRCB so alam ko ang kalakaran. Ang bawa’t tao or isang grupo ay may kanya-kanyang perception sa isang pelikula. Dahil ito ay isang sining, iba’t iba ang pagtingin sa bawa’t pelikula. Nagtalakan kami. Sa huli natalo ako. Sila ang nanalo. Umuwi akong talo. Akin na lamang tinanggap na R-18 talaga siya. Hindi ako nakalusot sa aking pagpapaliwanag. Movie and Television Review and Classification Board Pero hindi ako umuwi ng luhaan. Pinalakpakan nga nila ako eh. Pero talo pa nga rin ako dahil ito ay R-18,” paliwanag ni direk Joel Lamangan.

Kasama rin sa “My Father, Myself” mula sa malikhaing panulat ng actress/screenwriter na si Quinn Carillo, sina Tiffany Grey, Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, and Joseph San Jose; Dennis C. Evangelista, line producer; Len Carrillo, Win Salgado, Nikko Abad, Jomer Corpuz, and John Bryan Diamante, executive producers. 🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲🌲

sa pagtatapos ng MMK sa ere.. MEL TIANGCO, APEKTADO

HINDI lubusang makapaniwala ang host naman ng drama anthology ng GMA7, ang “Magpakailanman” na si Mel Tiangco sa lumabas na official press release ng Kapamilya Network hinggil sa pagtatapos na sa ere ng kanilang longest drama anthology show for 31 years na “Maalaala Mo Kaya” o MMK.

Kamakailan lang through a short video na in-upload sa social media, ay pormal nang ipina-alam ni Charo Santos sa publiko ang pagtatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ere sa darating na Disyembre, pagkatapos na maipalabas ang 3 part series ng kanilang 31st anniversary episode.

Pinasalamatan ni Ate Charo ang lahat nang naging bahagi ng kanilang programa, mula sa ABS-CBN management, mga artista, ang mga taong nasa likod ng production, ang kanilang mga letter senders at mga manonood sa loob ng halos tatlong dekada.

Natapat naman noon sa 20th anniversary ng MPK presscon ang isang tanong na wala pang kasiguruhan dahilan sa bulong-bulangan lang na mawawala na nga sa ere ang katapat na show ni Tita Mel.

Aniya: “I hope it’s not true. I hope it’s not true, ’di ba, because walang makakapalit sa “Maalaala Mo Kaya,”. You know, it is a class of its own. Talagang hindi biro ’yong, pag natapat ka noon sa ‘Maalaala Mo Kaya’, naku! Magdasal ka na sa lahat ng santo. ’Di mo maaano ’yan, ’di mo matatalo. Tumapat lang talaga ang “Magpakailanman”. Ang kapal ng mukha ko, e! It’s all professional, Darling. It’s all professional. There’s nothing personal there. This is all professional,” ang say ni Tita Mel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *