BARBIE IMPERIAL, AYAW NG MAG-TRUST

BARBIE IMPERIAL, AYAW NG MAG-TRUST

May be an image of 1 person and text

No description available.
No description available.

HINDI ‘bad year’ ang 2022 para sa Kapamlya actress na si Barbie Imperial kahit pa sa taong ito sila naghiwalay ng ex-boyfriend niyang si Diego Loyzaga. “I don’t say na bad year siya though a lot has happened in 2022, grabe. First quarter pa lang ng 2022 laman na ako ng mga balita, pero I think 2022 yung year na ang dami ko talagang natutunan. And it changed me a lot. Like hindi ako ganun ka-matured before pero because of what happened this year mas mature ako. Mas kilala ko yung sarili ko. Mas wise ako sa decisions. Mas love ko yung sarili ko. Before I will always say na I love myself, ganito ganyan, pero hindi pala. Kulang pala yung sasabihin mo na mahal mo yung sarili mo dun sa ramdam mo talaga na mahal mo yung sarili mo,” say ni Barbie na bida sa pelikulang “A Cup of Flavor” ng 3:16 Media Network.

Isa raw sa natutunan niya ay ang huwag din kaagad magtiwala . “Ang hirap mag-trust ngayon grabe. Kahit closes friend mo parang tutuklawin ka na lang bigla. So mas naging maingat ako sa mga tao na I surround myself with,” aniya pa. Inamin din niya na na-betray na siya dati kaya may ganito siyang hugot. “Yeah. Yes. Oo. Na-betrayed, yes. I think for me mas painful yung betrayal from your friend or yung close friend kesa sa boyfriend. Kasi parang if kaibigan mo binetray ka parang ipinagkatiwala mo sa kanya kung anuman yon tapos may gagawin siya para i-betray ka mas masakit and more painful yon for me. Pero ganun talaga ang life kaya move on na lang,” katwiran ng dalaga. Si JC Santos ang leading man ni Barbie sa “A Cup of Flavor” na nagsusyuting ngayon sa Atok, Benguet.

Kasama rin sa movie na ididirek ni Ma-An Asuncion Dagnalan sina Rowan Diaz at Sean de Guzman.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *