VHONG NAVARRO, BALIK-IT’S SHOWTIME NA BA?

VHONG NAVARRO, BALIK-IT’S SHOWTIME NA BA?

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NAGPARAMDAM si Vhong Navarro sa social media after few weeks ng kanyang paglabas sa Taguig City Jail noong December 6.

Unang post ni Vhong sa socmed ay pagsama-sama ng pamilya niya sa bahay nila ng misis niyang Tanya Bautista.

Caption ni Vhong; “Napakarami kong pinagpapasalamat… Thank you, Jesus! Happy Birthday! Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin maraming maraming salamat. God bless! Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.” And his next post ay bago mag-New Year kung saan may hiling si Vhong sa 2023. “Praying for a kinder 2023. Happy New Year!,” panalangin ni Vhong.

On New Year’s day ay nag-post ng isang makahulugang mensahe sa Twitter si Vhong. “Happy New Year Madlang Pips!,” tweet ni Vhong na tila may pahiwatig.

By mere mentioning ang monicker na ‘madlang pips’ which is short for pipol, na tawag sa audience/viewers ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime.

” Kaya hula ng netizens ay babalik na sa “It’s Showtime” si Vhong. Ngayon, January 4, ise-celebrate ni Vhong ang kanyang birthday. Posibleng sa Sabado, January 7, ay bumalik na si Vhong sa “It’s Showtime.”

Dahil sa tweet ni Vhong, na-excite ang netizens sa pagbabalik niya sa “It’s Showtime.” “Praying for a kinder 2023 Happy New Year!Happy New Year Kuys! Ang saya ko dito hahaha di ko alam kung bakit pero natuwa ako makita yung tweet mo!” “Happy new year, kuys vhong Sana bumalik Ka na sa it’s Showtime ” “Happy New Year Vhong and Advance Happy Birthday May God Bless You balik ka na sa “It’s Showtime” Sabee.

WALLY PERALTA ENTERTAINMENT EDITOR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *