JM DE GUZMAN, AMINADONG NAGING ADIK SA PAG-IBIG

JM DE GUZMAN, AMINADONG NAGING ADIK SA PAG-IBIG

May be an image of 1 person and text that says "Mera TELLINO BY: MERCY LEJADRE Email add: mercielejarde@yahoo.com"
No description available.

INAMIN ni JM De Guzman na hindi naman daw niya ikinakaila na nagiging adik siya pag in love. Isang matunog na “Yes!” ang kanyang naging kasagutan during the Q&A portion sa preskon ng Viva Film Adik Sa”Yo with Cindy Miranda. Na showing na this coming April 19 in theaters nationwide. Pero dahil marami na ring pinagdaanan pagdating sa lovelife, natututo na rin daw siyang magtira para sa sarili niya sa true lang daw.

“Dati wala, eh, Ngayon, pinapagana na ‘yung utak.” hirit na sey pa niya. So, ano ang nakita niyang katangian ng girlash niya ngayon or anong meron dito para ma-adik siya as in adik in love? “Tinuruan niya ako kung pa’no magmahal nang maayod saka sobrang inspiring siya na tao.” ‘Perfect 10’ sagot niya agad with matching sweet smile sa kanyang lips habang sweet din siyang sinusulyapan ng katabi niyang si Cindy Miranda na tipong may kilig factor for JM sa true lang, noh. Pag-aamin pa nitong si JM ay naka-relate nga raw siya sa karakter niyang si Paulo, pati na sa karakter ni Cindy, sa pelikula dahil bukod sa pinagdaanang krisis sa droga, eh, siya ang tipo na naaadik sa pag-ibig. “Maganda ang script by Mel del Rosario tapos si Nuel Naval pa ang direktor. Gusto ko ring makatrabaho si Cindy Miranda. Nagkaroon din ako ng konting hesitation na parang babalikan ko na naman ba ‘tong past na ‘to? Pero naisip ko na lang, okay lang, okay lang kung balikan ko, tapos naman na talaga, eh. May mga trigger, ‘yung dinadala sa paddle room, mga psyche war, rehab. Lahat ‘yun napagdaanan ko. So, habang binabasa ko pa lang ‘yung scriipt naaalala ko lahat ‘yon. May pain. Siyempre, painful ‘yung experience na ‘yon. Pero sobra namang marami akong lessons na natututunan,” ang mahabang pahayag pa nitong si JM. Co-stars din nina JM at Cindy sina Candy Pangilinan, Nicole Omillo at Andrew Mulach.

No description available.

ZANJOE MARUDO NILILIGAWAN NA SI JANINE GUTIERREZ

TAGUMPAY na si Mila (Janine Gutierrez) sa pagpapaikot niya kay Aidan (Zanjoe Marudo) dahil tuluyan na itong nahumaling sa kanya sa tumitinding mga eksena sa “Dirty Linen,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. Handa nang panindigan ni Aidan ang tunay niyang nararamdaman para kay Mila matapos niya itong halikan at nangakong ipaglalaban niya ang kanilang relasyon kahit alam niyang tutol dito ang kanyang pamilya lalo na at kasambahay nila si Mila.

Pabor naman ito kay Mila dahil matagal na niyang plinano na mahulog si Aidan sa kanya para makapasok siya sa pamilya Fiero para mabunyag kung ano ang kinalaman nila sa biglaang pagkawala ng kanyang ina. Pero nanganganib ang relasyon ng dalawa dahil hanggang ngayon, wala silang kamalay-malay, maliban sa nanay ni Aidan na si Leona (Janice de Belen), na matagal nang hiwalay sina Aidan at ex-girlfriend nitong si Sophie (Elisse Joson). Sa oras na lumabas ang katotohanan sa estado ng kanilang relasyon, magiging malaking gulo ito dahil umaasa ang mga Fiero kay Aidan na isara ang isang multi-million business deal kasama ang pamilya ni Sophie. Hindi lang si Aidan ang tataya sa ngalan ng pag-ibig dahil handa nang isugal ni Mila ang lahat para lang sa hustisya kaya kailangan na rin niyang mag-doble ingat. Delikado na rin kasi ang sitwasyon ni Mila ngayon dahil may posibilidad na masangkot siya sa kaso ni Lala (Jennica Garcia), ang kaibigan niya na naghihiganti rin sa mga Fiero at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis. Ano ang kayang gawin ng mga Fiero kay Mila kapag nalaman nila ang relasyon nito kay Aidan?

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *