kung saan super chubby si ‘Darna’…. NAGLABASANG BIRTHDAY PHOTOS NI ANGEL LOCSIN, LUMA NA

kung saan super chubby si ‘Darna’…. NAGLABASANG BIRTHDAY PHOTOS NI ANGEL LOCSIN, LUMA NA

May be an image of 3 people
No description available.
No description available.
No description available.

MISLEADING ang kumakalat na video ni Angel Locsin sa socmed ngayon. Isang lumang video ni Angel at ng kanyang mister na si Neil Arce ang nagba-viral in connection sa birthday ng aktres last April 23. Na-upload ang nagba-viral na video ni Angel sa YouTube channel nila ni Neil noong April 2022 pa. Sa naturang video ay ipinakita nila ang kanilang three-bedroom apartment sa Boracay with matching swimming pool. Pagkatapos ay pinakita nila ang iba pa nilang ganap sa Boracay. At kinagabihan, doon na sinorpresa ni Neil at ng kanilang mga kasama sa Boracay si Angel. But based on that video ng birthday celebratuon ni Angel sa Boracay last year, very alaraming na para sa iba ang pagiging sobrang lusog ng katawan ng dating “Darna.” Ang huling video na nakaupload sa YT channel nina Neil at Angel ay eight months ago. And that was during their trip sa Spain. Ganern.

No description available.

TIANA KOCHER, THE SINGER IS ALSO A SONGWRITER

GRANDYOSO ang media launch ng American-Filipina R&B singer na si Tiana Kocher na ginanap sa Delimondo Café sa may Makati . Tiana as an independent artist at ang kanyang debut single na “Just My Type” ay pumasok sa Top 40 Indie Chart na sinundan ng “Paint the Town” at “Swing Batter” na lumabas sa Croc commercial para sa motion picture na “What Men Want.” Hindi lang ‘yun, dahil ang kanyang record na “U Tried It,” na inilabas noong Oktubre 2019 ay ginawa ng four-time Grammy nominated record producer na RoccStar.

Nakipag-collaborate na rin siya with several Grammy award winning recording artists including TLC, Faith Evans, Sage the Gemini, Aj McLean of the Backstreet Boys, Citizen Queen, Bobby V, ASAP Rocky and Latin artist J. Alvarez among others, as well as multiple award-winning songwriters in both mainstream pop and R&B. Kamakailan lang nagtapos siya sa prestigious entertainment school na Full Sail University ng bachelor’s degree in Music Business. Mayroon din siyang associates degree sa Musical Theater mula sa Cambridge School of Visual and Performing Arts. Bahagi siya ng Grammy U pati na rin ang National Society of Collegiate Scholars. Noong April, 2020, nakipag-team up si Tiana with social media giant TikTok during COVID-19 para sa 30-day charity and community driven contest kung saan ay magsasayaw ang mga tao sa kanyang single na “Don’t Trip.” Ang #DontTrip Challenge na ito ay nakalikom ng mahigit P158,500 for both the Philippine and American Red Cross, and generated over 12 million views.

Ngayon ay wala pa siyang manager sa bansa though may agent siya sa Amerika. Siya ang nagsusulat ng lahat ng kanyang music at kung may gusto siyang maka-collab, ok sa kanya si Kiana Valenciano na sa Amerika na rin naglalagi. And last but not the least, she’s the apo of Senator Juan Ponce Enrile at ang legendary “Aawitan Kita” singer na si Armida Siguon Reyna. So, knows nyo na may pagmamnahan sa pagkanta si Tiana. Siya nga pala ang anak ng isa sa mga anak ni Sen. Enrile na si Katrina Ponce Enrile. Natawa nga kami when we asked TV Patrol’s Mario Dumaual na una ng nakainterbyu kay Tiana bago siya ipinakilala sa members of the entertainment media kung stage mother din kaya ang ina ni Tiana at may-ari ng sikat at masarap na Delimondo corned beef. “She is,” sabi ni Kuya Mario sa amin. But in a good naman daw ang pagiging stage mom ni Katrina.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *