WALANG KADALA-DALA!

WALANG KADALA-DALA!

HALOS isang taon pa bago sumapit ang 2025 elections ay kanya-kanyang pormahan na ang mga pulitikong pulpol dito sa ating bansa.

Siyempre, karamihan sa mga umaariba at tiyak na sasalang sa pagtakbo bilang susunod na mga kandidatong senador ay walang iba kundi sila-sila pa rin.

Dati pa rin.

Halos walang naiiba sa mga pangalan at apelyido ng mga pulitikong tatakbo sa susunod na halalan sa iba’t ibang posisyon.

Sabi nga ng isang kaibigan nating retiradong media, sila pa rin…nakakasawa kasi nga walang sawa sa panloloko este pagtakbo para …maskapaglingkod?..makapandambong? Makapanmgurakot?

Nakapagtataka kasi na ang karamihan diyan ay dati nang mga napuwesto at naluklok sa mga inaaspirang posisyon pero pabalik-balik sa pagtakbo kahit paulit-ulit nang nahahalal at natatalo.

Ano bang mayron?

Maitatanong na lang natin sa ating mga sarili.

Ano bang mayron at halos makipagpatayan sila para lang maluklok sa mga puwestong yan.

Nakapagtataka na kahit alam nilang ayaw na sa kanila ng mga tao ay tuloy lang sa kanilang pagtakbo.

Alam kasi nila na madaling makatsamba.

Sadyang ang mga pinoy kasi ay madaling utuin…madaling paikutin kaya kahit yun walang pag-asa na manalo ay nakakasilat dahil marami na silang alam na diskarte para makalusot.

Mga botanteng pinoy na galit na galit at kulang na lamang ay pumatay kapag nararanasan ang malasado o palpak na serbisyo ng kanilang mga ibinoto at halos sumpain na nila ito habang nakaupo sa puwesto pero konting pang-uuto lang at maliit na pabor ay hayun…ibinoboto pa ulit/

Walang kadala-dala sa madali’t sabi.

Hays…hayan at bumabalandra na naman ang mga mukha ng mga trapong ito sa mga pahayagan, telebisyon at social media.

Hindi na tayo magtataka kung sa susunod ay makalusot pa ulit ang mga ito, subalit umaasa pa rin tayo na matututo na ang ating mga kababayan para makapamili ng totoong alam nila na makakatulong sa ating bansa at mga mamamayan.

Dito sa Taytay…sa bago o sa dati? Sa pula o sa Asul?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *