CARLO AQUINO, MUNTIK-MUNTIKAN NG MANIRAHAN SA AMERIKA AT MAG-QUIT SA SHOWBIZ

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

DUMATING sa punto ng buhay ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino na gusto na rin niyang sumuko sa showbiz at huwag na itong ipagpatuloy. Yon daw yung mga panahon na pakiramdam niya ay hindi na siya naniniwala sa kanyang sarili.. Ani Carlo sa interbyu sa digital mediacon ng Viva One series na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” pinanghihinayangan daw niya ang mga pinalipas na panahon na marami siyang mga hinindiang proyekto dahil sa kinaharap na personal na isyu sa sarili.

“Ako Kuya Leo yung mga past projects ko na hinindian nung nag-lielow ako pinanghinayangan ko. Kasi medyo matagal din yon, mga two years. Kasi nga takot na takot ako kasi nga hindi ako naniniwala sa sarili ko,” pahayag ni Carlo sa amin. “Pero katulad ni Ryza (Cenon), hindi rin ako nagsisisi kasi yon nga, kailangan kong pagdaanan yung bagay na yon para marating ko kung nasaan ako ngayon. Iba kasi yung nagsisi ka sa nanghinayang ka, di ba? Kasi nung time na yon, magma-migrate na dapat ako sa Amerika. Magpapa-adopt ako sa uncle ko. Pero mabuti na lang din hindi ko tinuloy kasi nga mahal na mahal ko yung ginagawa ko, yung trabaho ko. Siguro kong tinuloy at ginawa ko yon hindi ako nagpapaliwanag sayo ngayon Kuya Leo, hindi ba? So parang… yon kailangan kong pagdaanan yon. Gusto ko ba talagang umalis at sukuan itong mahal na mahal kong trabaho, parang ganun,” patuloy na paliwanag ni Carlo na nagsimula ang career sa showbiz bilang child star.

Eh, what if hindi maging palaging favorable sa kanya ang showbiz at hind na maging maganda ang takbo ng kanyang career. Aaalis ba siya ng Pilipinas? “Hindi na ako papayag na hindi maganda yung mangyayari sa mga susunod na taon. Ha-ha-ha!” diretsang sagot ni Carlo. When it comes to love, ani Carlo, hindi rin daw siya madaling mag-give-up o sumuko agad. “Ako, ipinaglalaban ko talaga! Ipinaglalaban ko. Ayokong… Sayang, eh, lalo na ilang taon na ako. So, ano pag sumuko ako, kikilala ako and then kami ng lang years, di ba? Parang ulit na naman. Basta, laban na lang!” paliwanag pa niya. Naniniwala ba si Carlo na sa isang reason lalo na ng mag-asawa ay babae ang kadalasang nagdadala? At kapag sumuko na ang babae ay doon na tuluyan nang nasisira ang isang relasyon? “Naririnig ko rin yung sinasabi ng mga iba na dapat lagi ang partners 50-50, di ba? Pero hindi naman palaging ganun, eh. “Minsan uuwi ka sa bahay sa partner mo 20 lang yung kaya mong ibigay at dapat punan yon ng partner mo. Kailangan i-fillout niya yung 80 percent, parang dapat ganun. Yon ang take ko, para siyang give and take,” huling paliwanag ng magaling na aktor. Meanwhile, kasama ni Carlo sa “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” series sina Coleen Garcia, Ryza Cenon, Kiko Estrada, Rhen Escaño, and Jerome Ponce. The series is from the bestselling book of Marcelo Santos III na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko.”

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *