AIAI DELAS ALAS, AMINADONG NATAKOT GUMANAP BILANG LOLA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

AMINADO ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas na challenging sa kanya bilang isang aktres ang gumanap bilang lola na may Alzheimer’s disease sa pelikulang “Litrato” na sinulat ni Ralston Jover at idinirek ni Louie Ignacio mula sa 3:16 Media Network. “Nung una, natatakot ako kasi sabi ko, ‘Paano ba maging matanda? Di naman ako marunong umarte nang ganun. Parang mahihirapan ako na paano bigyan ng hustisya paano maging matanda na totoo,” pagtatapat ni Ai-Ai nang makausap siya ng showbiz press via zoom.

Nakabalik na ng Amerika si Ai-Ai kaya hindi na siya nakadalo sa sa face-to-face presscon ng “Litrato” na ipalalabas sa mga sinehan sa July 26, 2023. Kasama ni Ai-Ai sa “Litrato” sina Ara Mina, Liza Lorena, Quinn Carrillo at Bodjie Pascua. “Nag-beg off na ako na makauwi dahil hindi na rin nakayanan ng katawan ang sobrang pabalik-balik sa Amerika at Pilipinas,” paliwanag ni Ai-Ai habang nasa San Francisco, California.

Nagkasakit na ako nang konti sa sobrang stress. Parang nabugbog na ako sa jetlag at saka sa biyahe. Yung last biyahe ko, eh, hindi masyadong maganda yung nangyari. Thirty hours ako na nagbiyahe tapos hinding-hindi yon ang dahilan,” kuwento pa niya. Ibinahagi din ni Ai-Ai ang kanyang pagkakaroon ng myokomia o eye twitching, kung saan hindi nakokontrol ang paggalaw ng talukap ng mata o eyelid. Ang kadalasang dahilan nito ay stress. “Yung mata ko, nagti-twitch. Dati mata ko lang, ngayon kasama na yung lids. Sa stress at sa puyat siguro, sa jetlag na sobra-sobra. Pati yung right eyelid ko, naapektuhan na rin so pinapagaling ko muna, pero okay na ako ngayon. Thank you so much na nandiyan kayong lahat and thank you sa support ninyo,” lahad ng aktres.

Sumailalim na si Ai-Ai sa botox treatment para makontrol ang pagkurap ng talukap ng kanyang mga mata. Puring-puri naman si Ai-Ai ng co-stars niyang sina Liza Lorena, Quinn Carrillo, at Ara Mina sa kanyang pagganap bilang lolang may Alzheimer’s disease sa Litrato. Nagtatrabaho si Ai-Ai sa isang facility sa Amerika at aniya, nakatulong ng malaki ang isa sa matandang inaalagaan sa facility para ma-portray niya nang maayos ang kanyang character. “Kinopya ko ang pag-iyak niya. Pero siyempre, bawal namang mag-name-names, di ba? Malaking tulong na nasa isang facility ako kasi sila yung nakakasama ko palagi,” sabi ni Ai-Ai.

Bago pumanaw ang ina ni Ai-Ai ay nagkaroon din ito ng Alzheimer’s disease. “Yung pagkakaroon niya ng Alzeihmer’s is comedy para sa akin. Kasi every time na nado’n na siya sa kuwarto, tapos kunyari magkakape, siya tapos mag-uusap kami, palagi kong tinatanong, ‘Oh, nay sino ako?’ Sasagot siya, ‘Siyempre, kumare ko.’ Parating ganun. Kunyari kung hindi man ako kumare niya, kapatid niya, pero never akong naging anak niya. Meron kasi akong standee do’n sa kuwarto niya. Yung standy na yon ang kilala niyang Ai-Ai. Yon yung alam niya na anak niya. So yung standee, don niya lahat sinasabi. Kunyari papagalitan niya ako o hindi niya ako papagalitan. Kunyari aalukin niya ako, kumain na ba ako? Anything na nararamdaaman niya do’n niya sinasabi sa standee ko. Pinagmamasdan ko lang siya, kung ano yung mga sinasabi niya sa standee. Kasi do’n ko nalalaman yung totoong nararamdaman niya. Kasi sa totoo lang, kung kilala din niya ako, hindi ko rin siya makakasama. So parang okey ako na hindi na niya ako kilala kasi nahihiya siya na tumira sa akin na kilala pa rin niya ako,” pagbabahagi ni Ai-Ai.

Samantala, ang ‘Litrato” ay reunion movie nina Ai-Ai at Direk Louie na nagkasama sa pelikulang Area at School Service. Nagwagi noon si Ai-Ai ng best actress sa 2017 Asean International Film Festival and Awards sa Malaysia para sa pelikulang Area. Kinilala rin ang galing niya sa Portugal para naman sa School Service sa 39th Oporto International Filmfest sa Portugal. Meron ba siyang mga importanteng litrato na itinapon na niya dahil ayaw na niya itong maalala pa? Tugon ni Ai-Ai; “Actually, hindi ako yung nagtapon. Noong araw, yung mga publicity namin ni Miguel [Vera, her ex-husband]. Marami akong mga picture at write-ups noon. Ang nanay ko ang nagtapon para hindi raw mabasa ng mga anak ko kung ano yung nangyari sa buhay ko. Yung mga picture ko na buntis ako, yon ang favorites ko. Talagang makikita mo yung bata na nasa loob mo tapos makikita mo ang tiyan mo tapos darating ang panahon na wala na yung bata, nagiging maliliit tapos nagiging matanda na sila. Yon ang classic sa akin,” pagre-recall ng aktres.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *