WHOLI-KA! BLIND ITEM CORNER

WHOLI-KA! BLIND ITEM CORNER

liwaliw sa buong mundo sa paglustay ng salapi ni sugar daddy….. SEXY STARLET, ‘NAKATISOD’ NG YAYAMANING DIRTY OLD MAN, NOW LIVING IN A MATERIAL WORLD

BONGGA si sexy star dahil kung saan-saang bansa ito nagliliwaliw na pinopost nya sa lahat ng social media accounts nya. Hindi basta basta bansa yun, huh kung saan need mo ng maraming salapi bago mo marating yun. Sa air fare na lang, mahal na. Eh yung hotel pa, foods at pang- shopping nya. Kailangan nya yun especially bago sya sa mga bansang yun, noh! Siyempre may ilang nakataas ang kilay kay sexy star kasi paano daw nya naa- afford ang magbakasyon kung saan malaking salapi ang kailangan nya. Wala naman syang pelikula o kahit tv show o mga endorsements at tv commercial?! In short, walang karaketan si sexy star.

Ayan tuloy at nag-imbestiga ang mga mimi (tsismosa) sa showbiz at ito ang natuklasan nila. Diumano, may azucarera de papa ang hitad. Ito raw ang kasama ni sexy star sa mga lakad nito. Hindi naman sya nakikita sa mga pics ni sexy star dahil super tago ito or else baka magwala ang original na misis kapag natuklasan ang “Lihim ng Guadalupe”.

Super yaman ni Sugar Daddy from the South at marami itong negosyo . Kaya naman no question asked kung bakit can afford ang kanyang “apple of the eye” ngayon na magbakasyon sa mga mayayamang bansa. Yun lang, dapat gamitin nya ang utak nya dahil baka one day ay magsawa na si Daddy sa kanya at iwan na lang sya at ipagpalit sa mas bata at mas sexy sa kanya.

CLUE: Nasa starlet level pa rin si sexy star dahil pulos guesting pa lang ang nagagawa nya sa TV. Inisyal ng pangalan ni starlet ay palayaw na ng isang BOY, gets nyo? BY: RONALD RAFER

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *