SCHRODER, DI PA RIN MAPANIWALAAN NA SIYA ANG 2023 FIBA WORLD CUP MVP

SCHRODER, DI PA RIN MAPANIWALAAN NA SIYA ANG 2023 FIBA WORLD CUP MVP

No description available.
No description available.

Hindi makapaniwala si Schroder naging MVP, nang manalo ang Germany sa wakas ng 2023 FIBA World Cup gold Hindi nasaktan ang koponan ng Germany para sa 2023 na edisyon ng FIBA World Cup ng talunin nila ang koponan ng Serbia para sa gold medal game, 83-77, upang makuha ang kauna-unahang titulo ng bansa sa flagship basketball tournament ng FIBA.

Si Dennis Schroder, ay nahirang na Most Valuable Player (MVP) sa basketbol na torneo, ay umiskor ng 28 puntos at nagtala ng 2 rebound at 2 assist para pangunahan ang pambansang koponan ng Germany. Nabatid sa ulat na si Schroder ay umaangkop para sa kanyang bansa mula sa mga age-group youth competitions mula noong siya ay 18-anyos, na kabilang sa 2012 FIBA Europe Under-20 Championship, bago siya naging manlalaro ng National Basketball Association (NBA). Ayon pa sa ulat, naglaro si Schroder sa ilang mga koponan sa NBA, tulad ng Atlanta Hawks, Oklahoma City Thunder, Los Angeles Lakers, Houston Rockets, Boston Celtics, at sa susunod na season, para sa Toronto Raptors.

Sa wakas, nakuha ni Schroder at ng kanyang team ang matagal na niyang inaasam-asam sa mahabang byahe sa isang titulo sa FIBA World Cup na kampeonato, at naging MVP pa torneo. Ginawa niya ang lahat na kanyang makakaya sa sarili at nagpagamit din para sa kanyang team upang makamit ang tagumpay sa laro.

Pahayag ni Schroder sa post-game press conference kasunod ng kanilang 83-77 panalo ng gintong medalya laban sa Serbian team, “First of all, it’s been a long ride. I’ve been here for over ten years I think and to be here now, going 8-0 is unbelievable.” Idinagdag pa ni Schruder na binigyan-diin ulit na hindi siya makapaniwala, “It’s an unbelievable group. Everybody just brings the best to be this successful. I think to be 8-0 in a group where we had big teams and then go into the next stage and play Slovenia and Georgia and then go to the KO stage, is just unbelievable.” Samantala, napag-alaman na ang makapangyarihang koponan ng Serbia ay nakatakda para sa kanyang ikalawang World Cup silver at isa na ngayon sa tatlong koponan na umabot sa maramihang finals nang hindi nakuha ang ginto, na sumali sa Russia at Argentina, na dalawang beses ding natalo sa huling yugto ng larong kampeonato sa buong daigdig.

Open photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *