JULIA MONTES AT ALDEN RICHARDS, MAY MUTUAL ADMIRATION SA ISA’T ISA

JULIA MONTES AT ALDEN RICHARDS, MAY MUTUAL ADMIRATION SA ISA’T ISA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

MERON na ring TikTok account ang Kapamilya aktres na si Julia Montes. Verified na ang account ni Julia at meron na itong halos 173,000 followers at mahigit 433,000 likes, as of this writing. Nakapag-upload na rin si Julia ng ilang videos at una niyang in-upload dito ang ang kanyang dance cover sa kantang “Pink Champagne” ng musical artist na si Nick Lopez. Imagine, isang araw pa lang mula nang mag-post siya sa Tiktok ay nag-viral ito agad at umaani na ng mahigit 3.5 million views. “Hi TikTok! First TikTok ko [emojis] I’m excited! Turuan nyo ko? [laughing emoji],” caption ni Julia sa Tiktok.

Kasunod ng dance cover ni Julia ay ang kanyang video na excited niyang kinukumpirma na meron na siyang TikTok account. “Hi everyone, surprise! I’m Julia Montes and I am here sa TikTok. “Yes, tama po. I have a TikTok account, @montesjulia08, so follow me for more exclusive and special updates,” sey pa niya. Maraming fans naman ang tuwang-tuwa sa aktres. Ang iba ay di raw ini-expect na magti-TikTok si Julia pero sobrang saya nila na nag-join na rin ito sa Tiktok. Samantala, as of now ay busy si Julia sa pag-promote ng kanyang upcoming movie with Alden Richards na ‘Five Break-Ups and A Romance’.

Si Coco Martin naman ay patuloy ang taping sa kanyang primetime series na ‘FPJ’s Ang Batang Quiapo.’ ‘Nga pala, nagse-share ang dalawa ng kanilang secrets sa isa’t isa. Ani Alden at Julia, unexpected ang nabuong friendship at deep connection sa pagitan nilang dalawa after doing their project na idinirek ni Irene Villamor. Sa isang Instagram Live broadcast, nabanggit nina Alden at Julia na feeling blessed sila matapos mabigyan ng chance na maging close sa isa’t isa.

“Sa dami ko pong nakatrabaho and sa dami ko na pong naging projects, itong si Julia Montes ay talaga namang remarkable dahil hindi lang siya napakahusay na aktres. Mas lamang sa akin yung pagkatao niya. Kaya yung opportunity na makilala – not even nga makatrabaho, kasi ‘yung trabaho, bonus na sa akin – ‘yung mga sikreto naming dalawa at yung mga napag-usapan namin sa journey na ito, sobrang fulfilling siya in all aspects sa trabaho at sa buhay,” ani Alden.

Sabi naman ni Julia, “Ito yung first project na sobra kong na-enjoy and ang daming learnings. Yung bitbit after work, alam mong mayroon kang mga kaibigan at isa ka na doon. Sa mga umiidolo kay Alden, alam ko na po kung bakit niyo idolo si Alden. Talaga namang deserving. Kung mapapanood niyo po yung film, excited po talaga kami kasi ang dami doon na wala sa script pero dahil nadama namin yung characters… talagang tinamaan kami. May hinihingi yung script pero sumobra yung bigay kasi full of emotions. Ang sarap lang gumawa ng ganitong proyekto,” huling sabi pa ni Julia.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *