MEGASTAR SHARON CUNETA, NAG-WISH NG FRIENDSHIP KAY GABBY CONCEPCION

MEGASTAR SHARON CUNETA, NAG-WISH NG FRIENDSHIP KAY GABBY CONCEPCION

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO ww deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

HINDI lang si KC Concepcion ang nagwi-wish na maging magkaibigan na mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion after ng kanilang concert. Wish din ng Megastar na maging magkaibigan na sila ng ex-husband na si Gabby alang-alang sa nag-iisang anak nila na si KC. Sa isang interview ay nahilingan si Sharon na magbigay ng mensahe para kay Gabby sa pamamagitan ng letter. “Dear Gabby, thanks you for the good times, thank you for KC. I hope we can be friends for the sake of our daughter also.” mensahe ni Sharon kay Gabby. “Because you were my co-producer in creating KC, so we need to work together to help her become a better person,” dagdag pa niya. At inulit niya na sana raw ay maging magkaibigan sila ni Gabby, not just showbiz friends kundi totoong magkaibigan. “I mean, real friends, not just showbiz-showbiz na… di ba? Wala namang reason not to.” aniya.

At hirit na biro mensahe niya kay Gabby, “At huwag ka na ma-develop sa `kin. Alam ko, mahirap pero kaya mo.” Nabanggit rin ni Sharon na akala niya ay okey na sila ni Gabby noong magkita sila sa Gabay-Guro event noong 2019. “Okey na kami nu`ng Gabay-Guro, eh. After that, parang …`Ano na kayang nangyari, bakit cold na naman siya? Ano na naman ang nangyari ? Ano ng ginawa ko? Yung ganung,”say ni Sharon. Pero kung napanood ninyo ang pagkikita ng dalawa na nailabas sa YouTube ay parang walang nangyari tampuhan dahil sobrang sweet ni Gabby kay Sharon, Nandoon nag-request pa ito ng kiss bago umalis na pinagbigyan naman ni Sharon.

Well, di nga ba ganyan din ang wish ni KC na sana maging magkaibigan na talaga ang kanyang mga magulang. Samantalang may bagong ipinost na photo si KC habang nasa New York para dumalo sa Soho International Film Festival kung saan nag-world premiere ang movie na Asian Persuation na isa siya sa mga lead stars. “Paying homage to Filipino tradition, as I make my way through the streets of New York for my first American film.” Naka-Filipinana na outfit si KC na gawa ani Cheetah Rivera at ang suot niyang jewelry ay gawa ng Avee Moi Jewelry na mula sa kanyang jewelry business. Marami ang pumuri at nag-comment na stunning ni KC, mula sa kanyang suot at makeup. May nag-comment pa na sana mapansin si KC Hollywood dahil magaling siyang actress at dasal na kanyang mga supporters ay masundan pa ng ibang pelikula ang Asian Persuasion. May naghihintay naman sa pagbabalik ni KC ng bansa para makapag-usap sila ng mom niyang si Sharon. Nag-post kasi si Sharon na sana ay makapag-usap na sila ni KC kapag tapos na ang trabaho nito.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *