more than year ng dumidiskarte…. JM DE GUZMAN, TULOY-TULOY LANG SA PANUNUYO KAY DONNALYN BARTOLOME

more than year ng dumidiskarte…. JM DE GUZMAN, TULOY-TULOY LANG SA PANUNUYO KAY DONNALYN BARTOLOME

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

AYON kay JM de Guzman, hindi nila napag-uusapan ng nililigawan niyang si Donnalyn Bartolome kapag naba-bash ang kanyang mga online content. Ang ginagawa lang daw niya ay ipinaparamdam sa dalaga na lagi lang siyang nasa tabi nito at handang makinig. Kumusta na ba ang panliligaw niya sa sikat na content creator? “Okey naman. Nanliligaw pa rin,” nakangiting sabi ni JM. Kung matatandaan, nagsimulang ma-link ang dalawa dahil sa video collaborations nila mula noong September 2022 hanggang nitong June 2023. Ayon pa sa aktor, willing to wait daw siya na mapasagot si Donnalyn. “Siyempre, pag may gusto kailangan ipaglaban,” giit pa niya. Ano ba ang mga magagandang characteristics na naging dahilan para magustuhan niya si Donnalyn?

Sagot niya, “Hindi ko alam, eh… Na-i-inspire ako sa kanya. She’s a very caring person…very sincere, sobrang mabait.” Hindi ba siya naiinip sa kakahintay na makuha ang matamis na ‘oo’ ng tinaguriang Social Media Goddess. “Hindi po. Napapawi ang inip ko pag nakikita ko siya,” kinikilig na sagot ni JM. Eh, sa tingin ba niya ay may may pag-asa siya kay Donna? “Sana, sana may pag-asa,” aniya. Isa pa raw sa hinahangaan niya sa nililigawan ay ang pagiging matatag nito sa bashing. Ilang beses na rin kasi itong na-bash dahil sa mga content na ina-upload pero deadma lang siya. “‘Yon nga yung nakaka-proud sa kanya. Hindi siya nagpapa-apekto doon. Pinapalabas niya lang sa kabilang tenga. She learns from kung ano man yong ilatag sa kanya o ibangga sa kanya,” aniya.

“Hindi ako masyadong nag-o-open up ng mga ganu’ng bagay kasi sa kanya ’yon. Pero nandu’n ako to lend an ear,” dagdag pa niya. Samantala, nagpapasalamat ngayon ang aktor na maganda ang pagtanggap ng viewers sa romantic drama movie nila ni Alessandra de Rossi na What If na nag-Top 1 kamakailan sa Netflix Philippines. “Sobrang grateful and thankful lang po ako na ako yong kinuha ni Alessandra doon for the role. And sobrang proud din po ako doon sa movie,” saad niya. After ng The Iron Heart ay muling mapanood si JM sa upcoming Kapamilya teleserye na Linlang. Makakasama niya sa show sina Kim Chiu, Paulo Avelino, and Diamond Star Maricel Soriano. “Shady ang character ko du’n, medyo dark. Nae-enjoy ko in a way na medyo mas nagiging creative ako, mas nagiging free ako, kasi yong boundaries ko parang lumalalawak…pero nakakapagod,” deskripsyon ng aktor sa kanyang role.

NAGBABALIK ang paborito niyong A-team! Ang all-star group ng pinakamatatapang, pinakamalalakas, at walang takot na mga kalalakihan… at kakababaihan! Humanda na sa mas intense na mga eksena, mas maraming pasabog, at tuloy-tuloy na aksyon! Napapanood na ang Expend4bles, Ang Hollywood household names na sina Sylvester Stallone at Jason Statham ay muling nagbabalik bilang sina Barney Ross at Lee Christmas kasama ang buong Expendables crew para sa isa na namang misyon. Pupunta ang kanilang team sa isang lumang chemical weapons plant sa Libya para pigilan si Suharato Rahmat (Iko Uwais), kilalang nagbebenta ng mga ilegal na armas, na manakaw ang nuclear missile detonators para sa kliyente niyang si Ocelot.

Pero maiisahan sila ni Rahmat at matutuloy ang pagnanakaw nito. Itutuloy ng Expendables team ang pagtugis kay Rahmat sa Jantara boat kung saan haharap sila sa mas delikado at mas mahirap na pagsubok. Kailangan nilang masigurado na mahuhuli na nila si Rahmat bago nito ma-deliver ang package, dahil kung hindi ay tiyak na maghahasik ng lagim si Ocelot. Paano nila masisigurong hindi na makakatakas si Rahmat? At ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Ocelot? Ang Expend4bles ang pang-apat ng pelikula sa Expendables action-thriller franchise. Ito ay mula sa direksyon ni Scott Waugh, na kilala rin mula sa iba pa niyang pelikula tulad ng Act of Valor noong 2012 at Need for Speed noong 2014. Bukod kay Statham at Stallone ay magbabalik din sina Dolph Lundgren bilang Gunner Jensen at Randy Couture bilang Toll Road, ang original members ng Expendables.

Curtis Jackson, o mas kilala bilang 50 Cent ay magiging parte rin ng pelikula bilang si Easy Day, ang pinakabagong miyembro ng Expendables. Mag-uumapaw rin ang kagandahan at kasexyhan ni Megan Fox bilang female lead character sa pagganap na Gina, isang CIA agent at girlfriend ni Lee Christmas. Mapapanood rin sa pelikula sina Tony Jaa, Iko Uwais, Jacob Scipio, Levy Tan, at Andy Garcia. Mula sa Millennium Media at Lionsgate, at ire-release ng MVP Entertainment at Viva International Pictures sa Philippine cinemas, I-welcome muli ang OG team, at kilalanin ang new blood ng team Expendables! Humanda na sa biggest action flick ngayong taon! I-level up ang panonood ng Expendables at i-experience ang kakaibang aksyon na hatid nito sa 4DX cinemas. Ang Expend4bles, showing now in cinemas nationwide.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *