GLAIZA DE CASTRO, SUSUGAL BILANG MOVIE PRODUCER

GLAIZA DE CASTRO, SUSUGAL BILANG MOVIE PRODUCER

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

EXCITED si Glaiza de Castro na maging bahagi ng pelikulang Slay Zone kasama si Pokwang na makakatrabaho niya sa kauna-unahang pagkakataon. Kung noon ay madalas magkabangga ang dalawa sa iba’t bang film festivals abroad ngayon ay magkatrabaho pa sila sa pelikulang ipo-produce ng Wide International Film mula sa direksyon ni Louie Ignacio. Ibinida ni Glaiza na bukod sa artista siya ng movie ay siya rin ang co-producer ng pelikula kasama si Ken Chan.

Aniya, “Sa ngayon kasi, bilang kalu-launch ko lang as a co-producer, siyempre, ang nangingibabaw sa akin ay excitement. Andun yung sobrang grateful din ako sa Wide International. Sa dinami-dami din kasi na nakatrabaho nila na puwede nilang gawing co-producer,” simulang sabi ng aktres.

“Pero para yung pagkatiwalaan ako na maging parte ng company nila [na] hindi lang ako basta endorser, o talent nila, napakalaking bagay noon,” dagdag pa niya.

Bilang producer, kumpiyansa naman si Glaiza na malawak na rin ang karanasan niya sa showbiz. “’Ika nga ni Mamang Pokwang, kapag nawala yung pressure, ah, parang tiwalang-tiwala ka naman sa sarili mo nun. Siguro, andun din yung pressure to come up with out-of-the-box na ideas kasi, yon talaga ang target nila, eh,” pahayag pa niya.

“Ito talagang mga taong ito, they love taking risks, and that’s what I love about them. Hindi sila takot to invent, reinvent, to give something different. And nung ma-meet ko sila, sabi ko, pareho kaming gustong gawin sa buhay,” pahayag pa niya. Ano ba ang magiging saklaw ng kanyang powers bilang co-producer? Sagot ni Glaiza, “Yung konsepto o idea ang unang factor na tinitingnan kung paano ko tatanggapin ang… Pero, ang maganda dito sa Wide, hindi naman lahat po ng pelikula ay nandun ako. Puwedeng nasa likod lang ako, kami ni Ken. Of course, merong ibinigay sa amin na, ano ba, yung right to suggest, and pitch more. Yon po ang isa sa mga gifts na ibinigay sa amin ng Wide na makasama kami sa pagbi-brainstorm at pag-conceptualize, and to produce an idea na kasama pa rin kami doon.” Lahad ni Glaiza.

Bukod sa pagiging actress and musician, wala din ba siyang balak maging screenwriter or magtrabaho behind the camera? “Sa ngayon parang hindi ko pa nakikita yung sarili ko na magdidirek or magsusulat. Pero naisakatuparan ko na yung isa sa mga pangarap ko na mag-produce. Kasi nai-enjoy ko yung… bilang musician din nai-enjoy ko na mag-isip ng konsepto, mag-collaborae with other other people and isa ito sa mga pangarap ko talaga,” sagot sa amin ni Glaiza. ‘

Dagdag pa ng aktres, “Natutuwa ako na merong venue sa amin as actors to also produce and siguro later on kapag ka na-inspire ako or naisipan ko isang araw gusto kong mag-aral muna. Gusto kong pag-aralan kung ano yung… Kasi hindi biro yung magdirek or hindi rin biro yung magsulat ng pelikula. Sa ngayon nag-i-enjoy ako to co-produce.”

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *