para sa isang horror movie…. ASKING PRICE NG TALENT FEE NI PIOLO PASCUAL, TAKE IT OR LEAVE IT

para sa isang horror movie…. ASKING PRICE NG TALENT FEE NI PIOLO PASCUAL, TAKE IT OR LEAVE IT

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.
No description available.

KASAMA sa cast ng pelikulang Mallari ang Kapamilya star na si Janella Salvador. Ang Mallari ang kauna-unahang horror film ni Piolo Pascual produced by Mentorque Productioins at umaasang mapapasama sa huling apat na pelikulang kasali sa 2023 Metro Manila Film Festival. Balik=horror si Janella na kilala noon bilang bida sa MMFF movie ng Regal Films na Haunted Mansion. Bumida rin si Janella sa mga pelikulang Bloody Crayons at The Heiress. Sa telebisyon ay hinangaan naman ang husay ni Janella sa thriller series na The Killer Bride noong 2019. Bukod kay Janella ay kasama rin sa Mallari si Miss Universe 1969 at ang veteran actress na si Gloria Diaz. She was previously seen sa seryeng 2 Good To BeTrue na pinagbibidahan ng Kathniel nitong nakaraang taon. Makakasama rin sa horror film ni Piolo sina JC Santos at Elisse Joson.

Sa October 15 gaganapin ang big announcement ng natitirang apat na pelikulang kasama sa 2023 MMFF base sa mga sinumiteng finished film. Nauna nang napili ang first top 4 base sa script at ito ay ang mga pelikulang 1) A Mother and Son Story nina Sharon Cuneta at Alden Richards, 2) K (ampon) nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales, 3) Penduko ni Matteo Guidicelli at 4) Rewind ng celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 30 pelikula ang maglalaban-laban sa natitirang 4 na slots ng MMFF this year. Matinding makakalaban ng Mallari ang Shake Rattle & Roll Extreme na parehong horror-thriller ang genre.

Walang comedy film sa naunang apat na entry kaya hopeful ang producer ng comedy film na Becky And Badette na pinagbibidhan nina Eugene Domingo at Pokwang na makakakuha sila ng slot. Ang iba pang MMFF hopefuls ay ang mga pelikulang Pieta ni Nora Aunor, In His Mother’s Eyes ni Maricel Soriano, When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, Good Game ni Donny Pangilinan, Ang Ina Mo nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon, Lola Magdalena ni Gloria Diaz, Shake, Rattle & Roll Extreme na all-star cast, Fireply ni Alessandra de Rossi, Nocturno ni Nadine Lustre, Moro ni Baron Geisler at marami pang iba. Samantala, ayon sa producer ng Mallari na si Bryan Dy, kaagad nilang nagustuhan ang project nang i-pitch ito sa kanila. First choice niya raw si Piolo na gumanap bilang Father Juan Severino Mallari, ang serial killer priest.

“Tinanggihan muna ni Piolo kasi we will submit this to MMFF, eh, he doesn’t wanna work during December plus ang dami niyang schedule talaga. Hindi naman kami nag-give-up, ako personally kasi I really think na he fits the role. Maraming nilista pero pag iniiisip namin si Piolo talaga. Siguro kung hindi niya kinuha hindi ko rin gagawin kasi ayoko namang ipilit,” wika ng Mntorque producer. Magkano ba ang naging TF ni Piolo sa Mallari? “May NDA (non disclosure agreement) kami,” sagot ni Bryan. “Well, Piolo is Piolo!. Nung sinabi naman sa amin (ang talent fee) hindi na ako nagtangkang tumawad dahil at the end of the day ang hirap ng ipinapagawa namin sa kanya. And it will really need his focus. Hindi ito isang karakter na pumunta sa tatlong iba’t ibang karakter,” dagdag pa ng producer.

Supposedly, may announcement pa dapat kung sino ang ibang cast ng pelikula pero hindi na ito natuloy dahil kailangan nang magsyuting. Ang Mallari ay mula sa script ni Joaquin Enrico Santos at sa direksyon ni Derick Cabrido.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *