BUBOY VILLAR, INAMIN NA ‘UMARAY’ BILANG HOST NG EAT BULAGA

BUBOY VILLAR, INAMIN NA ‘UMARAY’ BILANG HOST NG EAT BULAGA

May be an image of 1 person and text
No description available.
No description available.

AMINADO si Buboy Villar na na-hurt at naapektuhan talaga sila sa panghuhusga sa kanilang mga bagong hosts ng Eat Bulaga sa GMA 7. Kung mahina-hina nga lang daw ang kanilang kalooban ay siguradong bumigay na sila, dahil sa matitinding banat at batikos na inabot nila mula sa mga loyal fans ng longest-running show sa telebisyon Ayon kay Buboy, tao lang din naman daw sila na nasasaktan at naaapektuhan ng kanegahan at judgment ng mga taong sumusuporta sa original na hosts ng Eat Bulaga. “Actually po, nu’ng una talaga, ang totoo niyan, oo, masakit, e. Masakit talaga. Ako ‘yung taong walang pakialam pero once nakapag…unang-unang bungad sa ‘yo nega kaagad. Parang ang bad kaagad ng morning mo, so nakakalungkot talaga siya,” sabi ni Buboy sa interview sa kanya sa Marites University.

Ayon pa kay Buboy ang talagang naapektuhan daw sa mga bagong host ng show ay ang co-host nilang si Betong Sumaya. “Si Betong, siya talaga ‘yung maramdamin sa amin. Si Betong talaga, kahit sa live, nagbabasa siya ng comments. Pero bilang isang katrabaho mo, kunwari, tayo-tayo, na alam mong naaapektuhan ka pero mas affected ito, paano mo ngayon iha-handle ‘yun?” sey ni Buboy.

Pero mas nanaig pa rin daw ang kagustuhan nilang makapagpasaya ng mga tao kaya kailangan lang na mas lakasan pa nila ang kanilang mga kalooban at huwag na lamang pansinin ang mga bashers at haters. “Nakaka-hurt lang na parang sa kabila ng magagandang sinabi sa ‘yo, o kaya ito na lang, sa 10 ginawa mo, merong isang mali,” aniya pa. Dagdag pang paliwanag ng Kapuso actor, “Alam natin kung paano tayo magtrabaho, alam natin na ‘yung gagawin natin dito ay hindi para palitan sila, kundi magbigay ka lang kung ano ‘yung main goal mo, host ka lang ng show, tulong at saya,” aniya pa.

No description available.
No description available.

VICE GANDA AT PURA LUKA VEGA, TAPANG TAPANGAN LANG

SA pamamagitan ng kanilang online show na Showbiz Now Na!, nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin sa pagpataw ng 12-day suspension ng MTRCB sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime, dahil sa icing cake issue sa mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez, Sabi ni Cristy, kung nagpakumbaba lamang umano sina Vice at Ion pati na ang buong production ng programa, ay hindi na lalalim ang issue sa kanila. Sa itinakbo kasi ng naturang kontrobersya talagang pinanindigan nila na wala silang nagawang kasalanan at nilabag na batas. “Kaso, ‘di ba, wala naman po kasi tayong nakikitang ganoon,” ang pahayag pa ni Cristy.

Sabi naman ng co-host ni Cristy na si Wendell Alvares, ay gaya ni Pura Vega ay nagtapang-tapangan lang din si Vice. Si Pura raw ay hindi nagpaapekto noong unang malagay sa kontrobersya dahil sa pambabastos umano kay Hesukristo at sa Simbahang Katolika ngunit nang mademanda na ay biglang humingi ng financial assistance sa publiko. “Itong si Vice Ganda, ang tapang niya, ‘di ba. Sabihin, wala kaming ginawang kasalanan,” patutsada ni Wendell kay Vice. Ngunit sey naman ni Nanay Cristy, naniniwala siya na hindi totoong katapangan ang ipinakikita ni Vice sa madlang pipol. “Kung dudukutin po natin ang puso ni Vice Ganda, nandoon din po ‘yung pag-aalala at pagdadala ng problema. Kaya lang, gusto niyang ipakita sa tao na matapang siya, e,” pahayag ni Nanay Cristy. “‘Yun ang magpapasama sa kanila,” sabi naman ni Romel Chika.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *