PAOLO CONTIS, BINATI ANG BAGONG KASAL NA SI LJ REYES

PAOLO CONTIS, BINATI ANG BAGONG KASAL NA SI LJ REYES

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

NAGBIGAY ng mensahe si Paolo Contis sa dati nitong partner na kakakasal pa lang na si LJ Reyes sa kanyang non showbiz husband na si Philip Evangelista. Sa isang interview nga nito ay nahingan ng mensahe si Paolo para kay LJ na nung una ay sinagot nito ng wala sabay tawa, pero later on ay nag bigay na rin ito ng mensahe para sa aktres. “Hahaha wala e!” inisyal na sambit ni Paolo. “Well I’m very happy for her. That she has found the one. Congratulations sa kanila,” dagdag ni Paolo. Maaalalang matagal ding nagsama sila LJ at Paolo, kung saan ang kanilang pagsasama ay nag bunga ng isang napakagandang bata na si Summer, pero kalaunan ay nagdesisyon din maghiwalay. Pumunta ng Amerika si LJ kasama ang mga anak na si Summer at anak nito kay Paulo Avelino na si Aki at pansamantalang iniwan ang showbiz.

No description available.

MAGANDA at mahusay umarte ang theater at TV actress na si Chase Romero na napanood sa Magandang Dilag, Dirty Linen at sa FPJ’s Ang Probinsyano. First time namin itong napanood sa Play na SinaSadal na mula sa panulat at direksiyon ni Chaps Manansala at dito ay sobrang napabilib kami sa husay nitong umarte bukod sa napakaganda nito. Naalala namin ang pagsisimula ng mahusay at award-winning actress na si Jackylyn Jose na katulad ni Chase ay tisay, maganda at mahusay umarte ng nagsisimula, kaya naman mabigyan lang ito ng magandang project ay pihadong aalagwa ang career nito. At ang mahusay na aktres na si Dimples Romana naman ang idolo nito “Idol ko po si Ms Dimples Roman, very versatile and can do a lot when it comes to acting. At gusto ko po maging katulad nya na slowly but surely sa showbiz. Yung longevity nya po sa showbiz ang isa nakakabilib din po, ” say ni Chase.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *