NADINE LUSTRE AT CHRISTOPHE BARIOU PARANG BAGONG KASAL SA ITALY

NADINE LUSTRE AT CHRISTOPHE BARIOU PARANG BAGONG KASAL SA ITALY

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

MARAMING tagahanga ng award winning actress na si Nadine Lustre ang kinilig ng i-post ng guwapong boyfriend nito na si Christophe Bariou ang ilang larawan na kuha sa ilang magagandang tanawin sa bansang Italy. Pinost nga ni Christophe sa kanyang Facebook ang ilang larawan nila ni Nadine na kuha sa Milan Cathedral at ang Casa di Langa sa Piedmont. Sweet na sweet ang dalawa sa mga nasabing larawan na labis na labis na ikinatuwa ng mga supporters ng aktres at sana nga daw ay maging pang lifetime na ang magandang samahan nina Nadine at Christophe.

No description available.

LLOYD UMALI, BALIK-MUSIC SCENES

MULING magsasama sa isang konsiyerto ang dalawa sa pinakamahusay na mang-aawit sa bansa na sina former Miss Saigon Ima Castro at Lloyd Umali, na may titulong Intimate na gaganapin sa Packo’s Restaurant and Bar sa Nov 20, 2023. Click ang tandem nina Ima at Lloyd na ilang beses na ring nagsama sa concert at talaga namang laging puno ang venue, kaya naman ngayong taon at sa kahilingan na rin ng kanilang mga tagahanga ay isang intimate concert ang hatid nila sa kanilang composers. Kung saan ilan sa mga awiting inihanda ng dalawa ay ang kanilang hit collab song na ” ‘Nanliligaw, Naliligaw’ at ilan pa na mga awiting kanilang pinasikat.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *