no wedding plan yet… RHIAN RAMOS, HAPPY LANG SA LOVELIFE

no wedding plan yet… RHIAN RAMOS, HAPPY LANG SA LOVELIFE

May be an image of 1 person and text that says 'John S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

VERY honest ang philanthropist at host ng Dear SV na si Sam Versoza, mula sa CNN Philippines ay mapapanood na sa GMA 7 simula sa Nov. 18 ng 11:30 pm na. Very supportive ang kanyang gf na si Rhian Ramos sa kanyang show. May mga times pa nga raw na sumama ito sa pagtulong ni Sam sa tapings. “One time wala sa plano, kaming dalawa ang nagbigay ng regalo sa taong karapat-dapat. Bigla siyang lumabas sa isang episode at siya mismo ang nag-abot ng regalo. Sa Davao nangyari iyon.” Katulad nga ni Sam, gumagawa rin daw ng sariling charity si Rhian at isa raw iyon sa gustong-gusto nilang gawin, ang tumulong at magpasaya ng mga kababayan natin na kapos sa buhay.

Para raw sa pangarap nila ni Rhian na magtayo ng community na sustainable na, makakatulong sa mga tao at isa raw iyon sa nag-connect sa kanila ng Kapuso actress at isa raw iyon sa dahilan kaya napamahal sa kanya si Rhian. “Siyempre, gusto natin may puso rin. Since nasa Kapuso kami eh nakita ko iyong ganda ng damdamin niya.” Mariing itinanggi ni Sam na engage na sila ni Rhian. “Ewan ko po, wala naman, hindi ko alam kung sana nila nakuha iyan.” Pero inamin naman ni Sam na napag-uusapan na nila ni Rhian ang mga bagay na iyon pero gusto raw nilang maging sorpresa iyon sa kanilang mga supporters.

No description available.

VERY talented ang baguhang singer na si Penelope na bukod sa husay sa pag kanta ay napakagaling ding composer. Sampung taon daw ng mag simulang umawit si Penelope at ngayon nga ay nasa pangangalaga ng Flip Music Records at pino-promote ngayon ang kanyang debut single entitled Tag Ulan. At ngayong buwan ng November and December ay nakatakdang i-release ang kanyang self titled EP, na mula sa pagiging acoustic artist ay isa na ngayong Ppop artist.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *