weder-weder lang yan…….. MARICEL SORIANO, DALAWANG BESES NAKATIKIM NG SAMPAL MULA KAY RODERICK PAULATE

weder-weder lang yan…….. MARICEL SORIANO, DALAWANG BESES NAKATIKIM NG SAMPAL MULA KAY RODERICK PAULATE

May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎Showbiz PAMORE 2اد BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.com‎'‎‎
No description available.
No description available.

ISA ang mahusay na aktor na si Roderick Paulate sa bida sa In His Mother’s Eyes mula sa 7K Entertainment, na ang dalawa pa sa bida ay sina Maricel Soriano at LA Santos,na gumaganap sila bilang mag-ina sa nasabing pelikula. Natutuwa si Kuya Dick na muli niyang nakatrabaho sa pelikula ang matalik niyang kaibigan na si Maricel “Ang last movie na ginawa namin ni Maricel was Gorio at Tekla pa,” sabi ni Kuya Dick Patuloy niya,”At nakikita na lang natin na nili-link sa TikTok ‘yung mga TV shows namin. But I”m very honored and happy to be working with her again. Pero yun nga,medyo nagkataon, na ang inirereklamo ko lang dito, is kambal kami. Siyempre, parang nainsulto ako,” natatawang sabi pa ni Kuya Dick.

“Lagi kong sinasabi sa kanya sa shooting, ‘pasalamat ka pumayag akong maging kambal mo kita mo magkamukha tayo’,” natatawang sabi uli ni Kuya Dick. Sa pelikula ay dalawang beses na sinampal ni Kuya Dick si Maricel. Sabi nga ng award-winning actress na nagbibiro, “Sobra siyang nag-i-enjoy sa shooting lalo na nung dalawang beses niya akong sinampal. Tuwang-tuwa siya Parang tumama sa lotto.”

Na nang marinig ni Kuya Dick ang sinabing yun ni Maricel, butt in niya na natatawa, “Yung mga nasampal niya (sa serye at pelikula),naiganti ko.” Wish lang ni Kuya na sana ay panoorin ang kanilang pelikula dahil maganda ang script nito. Showing na sa November 29 ang In His Mothers Eyes na mula sa direksyon ni FM Reyes. #inhismotherseyes

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *