AZENITH BRIONES, PUWERSAHANG PINA-REHAB??

AZENITH BRIONES, PUWERSAHANG PINA-REHAB??

May be an image of 1 person and text that says 'Rated R by: RONALD RAFER Email Add: ronmrafer65@yahoo.com'
No description available.
No description available.

HANGGANG ngayon ay wala pa ring balita kung nasaan ang beauty queen- actress na si Azenith Briones na diumano ay kinidnap daw ilang araw na ang nakakaraan. Ang kaibigan nitong si Isabel Rivas ang iniinterview ng media since sa kanya nanggaling ang balita. Ayon kay Isabel, may lunch date sila ni Azenith kasama ang iba pa nilang kaibigan kamakailan pero hindi ito dumating. Binalewala lang nila yun at baka may ibang lakad o importanteng ginawa nung araw na yun kaya hindi nakarating. Pero after 1 day hanggang sa mga sumunod na araw ay hindi nila makontak ang kaibigan. Nagtawagan na lahat sila sa celfone at messenger pero walang sumasagot.

Until Isang malapit kay Azenith ang tinawagan ni Isabel at sumagot naman ito. Wag daw magworry at safe si Azenith sabi nung kausap ni Isabel. Okey lang daw ito ay nagpapagaling. Dinala daw ang aktres sa rehab. Naloka si Isabel. Bakit daw sa rehab eh Wala itong sakit. “She’s not an addict, gambler, and she’s not crazy. Bakit nyo dadalhin dun,” tili daw ni Isabel.

Dun na daw natapos ang usapan at hindi na diumano nagbigay ng detalye ang kausap ni Isabel. Kuwento ni Isabel; “Noon pa nagkukuwento sa amin si Azenith. Iyak sya ng iyak. Problema nito ang mga anak. Tungkol daw sa mana, tungkol sa pera. Bakit nila pinapalabas na crazy ang kaibigan ko,? She’s not. Wala syang sakit. Mabuti syang tao at marami syang tinutulungang charity. Bakit sila ganun?”

Ang latest , diumano humingi na ng tulong sa kinauukulan upang matrace ang whereabout ni Azenith. Sana ay matagpuan na nga ang beauty queen- actress at sana’y walang masamang nangyari

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *