MAUREEN WROBLEWITZ, KAHAWIG NG DATING BOYPREN NA SI JK LABAJO, ANG BAGONG DYOWA

MAUREEN WROBLEWITZ, KAHAWIG NG DATING BOYPREN NA SI JK LABAJO, ANG BAGONG DYOWA

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

PINAGPIPIYESTAHAN ng mga marisol ang litratong kumalat sa TikTok kung saan makikita ang bonding ni Maureen Wroblewitz at ng kanyang bagong boyfriend. Tila nang-iinggit din ang pa-PDA nila kung saan may tukaan pa sila. Marami naman ang nakapansin sa pagkakahawig ng boyfie ng dating Asia’s Next Top model winner sa ex nitong si JK Labajo. Hirit pa ng mga nagmamaldita, hindi pa raw nakaka-move on si Maureen kay JK kaya ang ipinalit nito ay kamukha ng singer ng ‘Ere.’ May nakapansin ding mula nang maghiwalay ang dalawa ay mas umarangkada ang karera ni JK kumpara sa beauty queen-model na wala nang masyadong nababalitaang ganap sa kasalukuyan.

Ito naman ang ibang hirit ng mga nagmamahadera. “JK prototype din pala hanap nya” “Yes naman! Sa biglang tingin jk ihhh” “hahahha separated at birth nga!” “Mukhang si Ex lang din…hayy” “Sorry pero feel ko hindi pa nakaka move on si Maureen” “Hindi pa siya naka move on sa lagay na yan?!” “Luh parang si JK lang din na mas macho lang” “Papansin c girl akala nmn nya magcclos c jk hahahahaha oi girl mas ckat a tmapera n c jk ngaun cnyang m pro mas ok kc mas napansin xa” “JK is doing good in his craft, si Mau parang hinahanap ang sarili.”

No description available.

“MAS CLICK KAMI NI BOYET DE LEON”-VILMA SANTOS

SA vlog ng beteranang showbiz journalist na si Cristy Fermin, naging panauhin niya ang durable love team nina Vilma Santos at Christopher de Leon na nagpro-promote ng kanilang MMFF movie. Ani Christopher, sanay na raw siya sa ‘topak’ ng Star for all Seasons kaya nakakapag-adjust siya. Kabisado na rin daw nila ang isa’t-isa kaya hindi na sila nahihirapang magbatuhan ng linya kapag magka-eksena sila. Thankful din siya dahil may sariling following ang kanilang love team ni Vilma kahit hindi sila na-link romantically sa isa’t-isa. Natanong din kay Christopher kung naisip daw ba nito na ang ka-loveteam niya na si Vilma ay mahigpit na karibal ng kanyang ex na si Nora Aunor sa popularidad.

Ayon kay Boyet, wala raw namang asiwa factor para sa kanya kung sila man ng dating Batangas governor ang nagtagal bilang loveteam at hindi dating asawa. “Ang totoo lang. Walang plano,eh. Basta nangyari ang lahat. We did several movies together. Nagkasunod-sunod siya. Kinuha kami ni Ishmael Bernal. Kinuha kami ni Celso Ad Castillo. Nina Marilou Abaya, Laurice Guillen. Ganoon din naman kay Guy but mas marami kaming ginawa ni Vi. Iyong mga nagawa namin ni Vi, nag-hit siya sa takilya,” sey ni Boyet. Nagpaliwanag naman si Ate Vi kung bakit sila swak ni Boyet. “Parang sa madaling salita, whether you like it or not, mas click tayo. Kasi paikot-ikot pa, eh. Let’s face it, mas click kami. Ganoon lang iyon,”paliwanag ni Vilma. Sa tinurang ito ng Star for all Season, may kibitzers namang nagsasabing posibleng mag-react ang Noranians at mabuhay muli ang rivalry ng dalawa.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *