JHASSY BUSRAN AT HER TEEN YEARS, WON 3 INTERNATIONAL BEST ACTRESS AWARDS

JHASSY BUSRAN AT HER TEEN YEARS, WON 3 INTERNATIONAL BEST ACTRESS AWARDS

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.

ALL about the movie “Unspoken Letters” na showing ngayong December 13 sa mga sinehan nationwide, bida rito ang actress-singer na si Jhassy Bushran na lingid sa kaalaman ng lahat ay humahakot na ng awards kahit baguhan pa lamang sa Industry. Higit pa sa nakakabilib ang actress ito na sa edad na 16, ay nanalo na ng 3 international acting awards gaya ng: 1. Best Performer (Short Film category) International Filmfest Manhattan, NY. 2. Best Child Actress -Gully Int’l Filmfest na ginanap sa India. 3. Best child actress, Ashoka International Filmfest para sa indie film na “Pugon” sa India.

Kaya naman hinangaan ang multi-awarded actress sa maselan nitong pagganap ng role bilang Isang child with mental disability sa Unspoken Letters. Napanood namin ang movie sa isang advance screening last November 30 sa Trinima Cinema 7 at marami sa audience ang napaiyak ni Jhassy. May ibang nagkomento na tila ngbabantang muli ng panibagong award ang teenstar dahil sa mahusay nitong pag-execute ng Isang batang anak ni Simon Ibarra na may mental depression. Kasama din sa cast ang mga beterana at multi awardees gaya nina Tonton Gutierrez,Glydel Mercado, at iba pa.

No description available.

NAGWAGI bilang kauna-unahang grand winner sa dance competition ng” It’s Showdown” ang Fresno Style PH matapos nilang ibinida ang angking galing sa pagsayaw sa pinakamalaking dance off ng bansa sa It’s Showtime:The Grand Hatawan” nitong nakaraang Sabado. Sa unang araw nagpasiklàb kaagad ang grupo si Zeus Collins sa Dancing with the Star, kaya naman nanguna agad sila sa ranking. Hanggang tuluyan na nilang tinapos ang laban sa” Huling Hataw” at nakakuha ng pinakamataas na total average score na 7.8 mula sa combined scores ng dance royalties na sina world champion coach at world dance country director Jimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perrz,sex bom member Jopay,Ace Bonifacio at ex-GenSan member Jay Roncesvalles. Nag-uwi ang grupo ng P300,000 at trophy at P100,000 naman sa runner-up na United Alliance.

No description available.

hindi pa rin sa Eat Bulaga at E.A.T. ALDEN RICHARDS, TUMUNTONG NA SA STAGE NG ITS SHOWTIME

Viral sa social media Ang kauna-unahang guesting ni Alden Richards sa noontime show na It’s Showtime nitong Lunes, December 4, with Megastar Sharon Cuneta para i-promote ang kanilang MMFF entry na “A Family of Two:A Mother and Son Story” Tinanong ni Vice Ganda kung ano ang kanyang feeling na nakapag-guest siya sa Kapamilya noontime show?

Ani Alden,”Wala pa rin po akong masabi,Miss Vice ,but of course aaminin ko rin naman talaga na nanonood din talaga ako ng Showtime,and it’s an honor to be here.” Dahilan din daw ng kanyang pagi-guest sa show ay sa dahilang wala nang network sa ngayon between two giant networks “Very true..Alam mo kaming lahat kahit magkasabay ang programa, pinapanood naman namin ang isa’t isa . And we don’t mind. (At kung) nagkikita kami sa Isang lugar, nagyayakapan kami,” sabi ni Vice. At agree kami na dahil wala nang network war, mas masaya at masiglang mapapanood ang mga stars ng both networks dati na dati’y nag-iiwasan dahil sa mga exclusivity ng kanilang kontrata.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *