fearless forecast…. SHARON CUNETA, NANGANGAMOY BEST ACTRESS SA MMFF 2023 AWARDS NIGHT

fearless forecast…. SHARON CUNETA, NANGANGAMOY BEST ACTRESS SA MMFF 2023 AWARDS NIGHT

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.

NANGANGAMOY Best Actress daw si Megastar Sharon Cuneta base ito sa reaction ng mga nakapanood sa premiere night ng kanyang entry movie sa Metro Manila Film Festival 2023 na Family of Two (A Mother & Son Story). Kung sakali nga si Megastar ang tanghaling Best Actress sa darating na MMFF Awards Night ay second na niya ito sa MMFF. Year 2009 nang manalong Best Actress si Sharon para sa pelikula niyang Mano Po 6: A Mother`s Love under Regal Film. Kapag si Sharon nga ang tinanghal na Best Actress sa MMFF 2023 ay siguradong magbubunyi ang mga Sharonian. In fairness sa Megastar ay ibinuhos niya talaga ang kanyang emosyon sa character bilang possessive na nanay ni Alden Richards.

Nakatulong din sa kanya na that time ay problemado siya nang i-shoot ang pelikula, kaya naman relate na relate siya sa kanyang character sa movie. Pero may mahigpit na kalaban si Sharon sa categoryang Best Actress sa MMFF 2023, ang Star For All Season na si Vilma Santos. Entry rin kasi ang movie nina Vilma at Christopher de Leon, ang When I Met You in Tokyo. For the record, five times nang tinanghal na Best Actress si Ate Vi sa Metro Manila Filmfest, samantalang ang Superstar na si Nora Aunor naman ay may walong beses nang tinanghal na Best Actress sa naturang taunang festival. Si Maricel Soriano naman ay nakatatlong best actress na rin sa Metro Manila Film Festival.

Sayang nga lang hindi napasama ang entry movie ng Superstar sa MMFF 2023, ang Pieta at ang entry movie rin ni Maricel na In His Mother`s Eyes ay siguradong mas magiging matindi ang labanan sa Best Actress category ng taunang festival. Samantalang hula naman ng isang manghuhula na nasa top 3 ang movie nina Ate Vi at Boyet, ang iba naman ay hindi naman malulugi kundi mababawi rin ang naging puhunan. Hindi rin magiging magarbo ang darating na festival dahil sa hirap ng buhay. Karamihan ng pamilya ay nakatutok sa kani-kanilang ihahanda sa Noche Buena. Isa pa ay tila napaka-mahal daw ang ticket sa mga sinehan at yun mga nakakaluwag lang daw ang possibleng makasama ang kanilang buong pamilya para manood ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023. Pero all in all ay wala naman daw malulugi dahil kundi man maging blockbuster ay mababawi ang naging gastos ng bawat pelikulang kasama sa taunang festival.

No description available.
No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *