agaw-eksena sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda…. ‘PAPANSIN’ NI DANIEL PADILLA KAY KATHRYN BERNARDO, DESPERATE MOVES

agaw-eksena sa kasal nina Robi Domingo at Maiqui Pineda…. ‘PAPANSIN’ NI DANIEL PADILLA KAY KATHRYN BERNARDO, DESPERATE MOVES

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

DINAGSA ng negative comments ang video ni Daniel Padilla habang kinakausap si Kathryn Bernardo na nakaupo sa harapan ng aktor. Ang naturang video ay kuha sa loob ng simbahan sa wedding ni Robi Domingo at Maiqui Pineda last January 6. Parang mas marami ang nainis kay Daniel kesa natuwa sa galawan ng aktor kay Kathryn. May nagsasabi na desperate move raw ang ginawa ni Daniel na paglapit-lapit at pagsunud-sunod kay Kathryn sa loob hanggang labas ng simbahan.

“Daniel is making a scene, please let the newly weds have their day.” “Yes..as always !! Great pretender” “Korak! He wants the spotlight.” “Ksp na sya” Hindi gusto ng ilang netizens ang panunuyong muli ni Daniel kay Kathryn. “Nanuyo tlaga” “Sinusuyo nya pero theres no turning back na daw sabi ni ate girl” Binash din si Daniel sa pang-aagaw niya ng moment sa bagong kasal. “Special moment ni Robi and wifey nya pero itong si dj gusto nya sya ang mapansin ng mga tao at tutukan ng camera agaw eksena sa simbahan pa nagmumukang Ksp tuloy.”

“True agaw eksena lagi Alam nyang inaabangan Sila Ng Mga Tao sya nmn masyadong papansin” Nanawagan din ang fans ni Kathryn kay Daniel na tantanan na niya ang kanyang ex-gf. “Daneil, please tantanan mo na si Kath!” “Nang uuto pa sa mga ibang fans na mahilig sa kilig hehe” May tsika kasi na meron pang mga proyektong gagawin sina Kathryn at Daniel. Kaya need pa rin daw pakiligin ang kanilang fans. Sa true lang, nakakapanghinayang pag tuluyan ng nawala ang kilig ng fans sa KathNiel loveteam.

Nakakapanghinayang sa mga tao behind ABSCBN/Star Cinema sa effort nila para maging matagumpay ang loveteam and at the same time, ang respective careers nina Kathryn at Daniel. For sure, kinabahan si Daniel at pati rin ang nagpapatakbo ng career niya sa pag-boo sa kanya ng crowd sa isang event sa SM Mall of Asia Arena. Kaya naman every time na magkakaroon opportunity si Daniel magkasama si Kathryn sa isang event, tiyak na gagawa at gagawa talaga siya ng paraan na makalapit sa kanyang ex-girlfriend. Ganern.

No description available.
No description available.

COCO MARTIN AT ANGELINE QUINTO TULOY-TULOY LANG SA PAGIGING DEBOTO NG POONG NAZARENO

MULING tinupad ng mga kilalang celebrities ang kanilang panata tuwing sasapit ang araw ng Nazareno sa Quiapo. Ilan sa mga sikat na artista ang very well known na deboto ng Nazareno ay sina Coco Martin at Angeline Quinto. Sa mga teleserye ni Coco ay kita naman ang pagiging panatiko ni Coco sa Nazareno. Most especially ang bago niyang Kapamilya aksyon-serye, ang “FPJ’s Batang Quiapo.” Si Angeline naman minsan na niyang naikwento sa amin na kilala niya ang mga pari sa simabahan ng Quiapo. At sinusuportahan ya ang parokya ng Quiapo. Dream din ni Angeline na ikasal sa simbahan ng Quiapo. Teka, si Coco kaya dream din niyang maikasal sa simbahan ng Quiapo? Anyway, ang tila na-miss ng mga deboto ng Nazareno na makita doon ay ang sikat na newscaster ng TV Patrol na si Noli “Kabayan” de Castro.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *