SAMAHAN NINA JK LABAJO AT KYLIE ECHARI, LUMALIM OFF SCREEN

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

LUTANG na lutang ang star value nina Kylie Echarri, JK Labajos and Andres Brillantes sa ginanap na finale mediacon ng Senior High School. Walang duda na sila na talaga ang brightest stars of the next generation. Kita rin ang chemistry nilang tatlo. Kaya di na kami magtataka kung magkasama-sama ulit sa isang project sina Andrea, Kylie and JK. Bukod doon, may nakapansin din sa ganda ng rapport and friendship nina JK at Kylie. Sadly, wala pa lang eksena na magkasama sina Kylie at JK sa serye hanggang sa last taping day nila.

Say ni JK, “Sa totoo lang po amg chemistry namin (makikita) off-screen. Kaya po namin mag-team Poch (karakter ni Zaijian Jaranilla).” Dahil si JK na ang nag-break ng ice tungkol sa BL, natanong tuloy sya kung willing ba sila ni Kylie na gumawa ng ganitong genre na show. “Basta po si JK. Basta po kasama ko si JK,”sagot ni Kylie. Mabubulgar na ang lahat ng mga sikreto sa Kapamilya serye na tumabo na sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang The Ender to Remember finale. Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman na rin sa wakas ni Sky (Andrea) mula kay Obet (Kyle Echarri) kung sino nga ba talaga ang pumatay sa kambal niyang si Luna.

Iigting naman lalo ang mga puso para makuha ang pagmamahal ni Sky dahil pag-aagawan siya nina Obet at Gino (Juan Karlos), ang dating mga nobyo ni Luna. Pero hindi lang sila ang magpapakilig sa viewers dahil itutuloy ni Archie (Elijah Canlas) ang panliligaw niya kay Roxy (Xyriel Manabat), habang may posibilidad ding magkabalikan sina Tim at Poch (Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez). Dapat din abangan ng mga manonood ang sunod-sunod na pasabog sa serye dahil tuluyan nang magwawala si Z (Daniela Stranner) sa Northford prom night dahil sa mga bangungot niya kay Luna.

Maglalabasan na rin ang lahat ng mga baho nina Harry at William (Baron Geisler at Mon Confiado) na maaaring magdulot ng mas malaking sigalot sa pagitan ng kani-kanilang mga pamilya. Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa Senior High matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 3 na episode.

No description available.

KINABILIBAN ng madlang people ang panibagong hatid ng “It’s Showtime” sa pagpasok ng 2024 sa kakaiba nilang atake sa pinakamamahal na libangan ng mga Pilipino na karaoke sa “Karaokids” sa panghuhula ng hosts ng programa sa tamang titulo ng kantang inawit ng paboritong Batang Cute-Po na sina Argus, Jaze, Kulot, Imogen, at Kelsey. Labis na na pinag-usapan at pinuri nga netizens ang panibagong segment ng “It’s Showtime” sa una nitong episodes dahil na rin overload na ka-cutean sa pagkanta ng Batang Cute Po kids at friendly competition ng hosts. Sa unang round ng panibagong segment, pipili ang apat na pares ng “It’s Showtime” hosts na kanilang ‘Karaokid.’ Dalawang kanta ang mapakikinggan ng ‘karaokid’ sa kanilang headphones at kakantahin nila ito para huhulaan mga host.

Ang pares na pinakamabilis na makahula ang dalawang kanta sa loob ng dalawang minuto ang pupunta sa jackpot round at magwawagi ng P10,000. Samantala, sa jackpot round naman ay tatlong kanta ang dapat mahulaan ng pares ng “It’s Showtime” hosts sa loob ng dalawang minuto at may katumbas na premyo mula P5,000 hanggang P15,000. P50,000 ang jackpot prize na pwede nilang makuha kung sakaling mahulaan nila ang tatlong kanta. Ang malilikom naman nilang cash prize ay ipamimigay nila sa pamamagitan ng ‘random act of kindness,’ kung saan lilibot ang isang “It’s Showtime” host para ibigay ang premyo sa mga madlang people sa kalsada. Abangan sa mga susunod na episodes kung sino ang maswe-swerteng mapapamahigaan ng pa-premyo nila sa Karaokids pati na ang iba pang pasabog ng “It’s Showtime” sa madlang people.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *