PINTOR NA MAY NAKABINBIN NA KASONG  REYP TIKLO SA PARANAQUE

PINTOR NA MAY NAKABINBIN NA KASONG REYP TIKLO SA PARANAQUE

ARESTADO ang isang lalaki sa pinagsamang puwersa ng mga kapulisan ng Joint Warrant and Subpoena Unit, Station Intelligence Section (SIS), Substation 8 Makati City Police Station at MARPSTA/MPP Parañaque, matapos isilbi ang Warrant of Arrest (WOA) laban sa suspek na si alyas “Rom”, 52-anyos, na isang pintor, bandang alas-12:50 ng hapon kamakailan.

Nabatid sa ulat ng pulisya, ang naarestong suspek ay nakalista bilang Top 2 ng (Station Level) at Top 4 ng (District Level) na Most Wanted Person (MWP), nang ipatupad ng operatiba ang arrest warrant laban sa suspek sa New Makati City Hall, Poblacion, Makati City para sa kanyang nakabinbing kaso na umano’y ‘Statutory Rape by Sexual Intercourse’.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang warrant of order ay inisyu ni Honorable Judge Rico Sebastian D. Liwanag, Regional Trial Court, Branch 136, Makati City, na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case No. M-MKT-23-01949-CR, may petsang Agosto 14, 2023, na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati Police Station Custodial Facility ang nasabing suspek habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa issuing court. (Joseph Elias Bontogon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *