no mhensung…….. ANDREA BRILLANTES, FEEL NANG MAGSOLO NA MUNA

no mhensung…….. ANDREA BRILLANTES, FEEL NANG MAGSOLO NA MUNA

May be an image of 3 people and text

No description available.
No description available.

AMINADO si Andrea Brillantes na mas gusto na niyang makillala as a solo actress pagkatapos mabigyan ng challenging role sa Kapamilya hit series, ang Senior High. Malaking tulong sa kanyang personal growth and acting ang pagkalas niya sa loveteam at magpatuloy sa showbiz for her solo career. Ayon kay Andrea, “I think nagsisimula po siya, nagstart pa lang kasi ako ng acting ko at the age of 7. Parang nagkaroon na rin ako ng kaunti-kaunting partner sa Annaliza, I was 10. Si Grae (Fernandez), si JK (Juan Karlos) then actually naging partner ko before.

Ang dami ko pong pinagdaanan sa mga shows ko na lagi akong may nakakapartner tapos noong nagkaroon ako ng opportunity na parang pwede na ako mag-solo artist parang gusto ko siya iexplore.” Super nage-enjoy daw siya ngayon as a solo actress. Mas nakikilala raw niya kasi ang kanyang sarili at ang kanyang pagihing aktres. “Mas marami na po ako pwedeng paglaruan at mas marami na po ako pwedeng makatrabaho na bago. Paramg ang tagal ko na kasi maraming partner. I want something new at habang mas bata pa ako, mas madali pa mag-explore and habang di pa madali pa mag-explore and habang di pa ako super sanay na maging super dependent din po sa, for example, kung magkakapartner din po ako,” diin pa niya.

Patuloy na kinakapitan ng mga manonood ang mas tumitinding mga rebelasyon sa Senior High matapos makakuha ng all-time high na 179,305 live concurrent views sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Enero 3 na episode.

No description available.

HINDI napigilan ni Jean Kiley ang maiyak sa intimate mediacon ng kanyang first lead role movie titled Hongkong Kailangan Mo Ako. Naging emosyonal si Jean dahil after the long wait ay nabigyan sya ng break for a lead role. Nakilala ng entertainment press si Jean bilang host ng mga press conference mg Viva Films. At the same time, contract artist din ng Viva si Jean. Kaya marami ang mage-expect na amg Viva rin ang magninigay sa kanya mg kauna-unahan niyang lead role sa pelikula. Pero ang NDM Studios ang mag-bigay sa kanya ng break na magbida sa pelikula.

“Uh, grabe matagal ko na pong kaibigan sina Direk Njel de Mesa. Ilang taon pa lang po ako noon. Bata pa po ako. High school pa lang po ako. At saka ano po, nu’ng sinabi po ni Direk syempre, ako po kasi mahiyain po talaga ako’ng magsalita. Pero sa totoo po, gusto ko po talaga siyang makatrabaho. Hindi po ito ano,” sabay tago ni Jean ng kanyang mukha sa likod ni Mayton Eugenio (co-lead star niya sa para itago ang kanyang pagiyak. Dahil natangay na ng emosyonal si Jean, hirap na siyang ituloy ang mga susunod niyang sasabihin. “Actually, nauna po ang acting before hosting. Nagi-indie films din po ako before. But then, ito po ‘yung opportunity na binigay ni Lord sa akin. So, syempre igra-grab ko.lang po yan. Sobrang happy ko din po,” esplika ni Jean. “And si Direk po ‘yung unang nag-approach (sa akin) for this kind of role. Syempre, sino po ang hindi mata-touched.

Tapos sabi niya, ‘O, may Disneyland din tayong isho-shoot. ‘Yey!’ Kasi dream.ko talaga ang mag-Disneyland. First time ko po. First time ko po talaga mag-Disneyland. Pang-thrid out-of-the country ko pa lang po ang Hongkong,” kwento pa ni Jean. Samantala, matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles si Mayton (Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella etc.) at Jean Kiley (Jowable, Dulo, Ikaw pa rin ang Pipiliin Ko). “Ako po si Blair sa movie. Ang character ko is very playful, carefree, childlike and childish. Uh, mayaman siya kaya hindinsiya masyadong nabkakaproblema with regards to money. A very opposite of Mallory. “Habang si Blare po ‘yung walang paki. ‘Yun po ‘yung nasa trailer. Kasi kayang-kaya niya ang lahat ng gusto niyang gawin dahil they have the money to do that. And very adventurous po si Blair, and she dances,” pahayag pa ni Jean.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *