JOEL CRUZ, NAGHAIN NG ESTAFA CASE SA NBI LABAN SA 3 HIGH-SOCIETY FASHION CELEBRITY

JOEL CRUZ, NAGHAIN NG ESTAFA CASE SA NBI LABAN SA 3 HIGH-SOCIETY FASHION CELEBRITY

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

NAGHAIN ng reklamong ang sikat na entrepreneur na si Joel Cruz kontra sa tatlong kilalang fashion/lifestyle personalities sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Miyerkules, January 17. Inreklamo ni Joel ang mga high-society personalities ng kasong estafa sa NBI. Sa pagkakaalam namin ay nangyari ang insidente kay Joel at sa tatlong high-profile fashion/lifestyle personalities sa Paris Fashion Week. Medyo matagal ding nanahimik si Joel ukol sa ginawa sa kanya ng tatlong fashion /lifestyle personalities. It seems matindi ang ginawa nila for Joel not to take things just sitting down. And now, reached to a decision na kasuhan na sila para ‘di na rin mangyari sa iba ang nangyari sa tinaguriang Lord of Scents. Just two days before his estafa case filing sa NBI, nagkaroon kami ng chance na makausap ang Lord of Scents sa kanyang opisina.

Personal na tinanggap niJoel Cruz ang award niya mula sa Most Influential Filipino and Asian Awards sa kanyang opisina kahapon. Pinarangalan si Joel bilang dedicated and hardworking business leader sa bansa. Pinasalamatan ni Joel amg lahat ng bumubuo sa Most Influential Filipino and Asian Awarda sa pangunguna ng EBQ Music Production ng composer na si Evie Quintua at kanyang mister na si Nick Quintua Say ni Joel, “Ito ang nagbibigay sa amin ng lalo pang lakas ng loob para lumaban (sa larangan) ng business dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Alam nyo naman ang Aficionado hindi lang kilala dito sa bansa but all over the world. So, ‘yun ang aking pinipilit na sana makilala ang Filipino made products not just in the Philippines but all over the world as much as possible.” Thankful din siya sa mga OFWs na siya raw nagdadala ng kanilang produkto sa iba’t ibang bansa.

Ibinahagi rin niya ang kanyang award sa kanyang buong staffs sa Aficinado. “Dahil kapag nakakatanggap kami ng ganitong award, mas lalo kaming nagiging masipag, lalo kaming nagiging matatag, lalo kaming lumalaban hanggang makilala ang Aficionado sa buong mundo,” diin ni Joel. Nakakatuwang malaman na pati ang pagti-TikTok ay pinasok na rin ni Joel para ibenta ang kanyang mga produkto. “Ang laking tulong niya. Nu’ng una medyo ano ako, naïve ako, e. Hindi ko kasi alam ‘yan na ganoon pala. Nu’ng sinubukan ko, in a matter of two hours, na-shocked ako sa sales namin,” bulalas ni Joel. Naka-tatlo lang sa TikTok si Joel for 2023 pero nagulat na sya sa outcome ng sale sa products niya. Kaya sa 2024, pramis ni Joel na mas marami pa syang gagawin sa TikTok.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *