sa Australia gagawin…… KASALANG CATRIONA GRAY AT SAM MILBY, KASADO NA

sa Australia gagawin…… KASALANG CATRIONA GRAY AT SAM MILBY, KASADO NA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA kanyang pagdalo kamakailan sa NCCA o National Commission on Culture And Arts bilang Ambassadres for almost 5years ay pinag uusapan ang kanyang kakaibang glow, as in lalong naging makamandag ang byuti ng ating miss universe 2018, lalo pa ngayong taon ay ikakasal na ito sa singer aktor na si Sam Milby sa Australia, kung saan naka-base ang magulang ng Kween Muning. Masayang masaya binalita nito na halos kasado na ang lahat ng details ng kanilang bonggang kasalan. Kaya si Catriona mismo ang nag-organize kung anong preparation ang dapat pang gawin para nga naman perfect ang kanilang engrandeng kasal.

Imbitado ang kanyang malalapit na kamag anak, kaibigan at ilang celebrity na kakilala nilang magjowa simula ng magkarelasyon sila ng kanyang very charming bf. Natanong din si Catriona sa bagong patakaran ng Miss Universe Organization kung saan ay pede na sumali ang mga senior citizen katulad ni Joyce Pilarsky Cubales na 69 yrs old na at yung 72 yrs old na taga Argentinang aktres. Heto lang naman ang kanyang nasabi sa isyung ito “Wala akong masabi kundi goodluck sa kanila at least sumali pa din sila kahit matanda na. Kung talagang passionate sila sa pagsali, why not, di ba? As long as na matupad ang kanilang matagal na pangarap sino ba naman ako para pigilan sila?”

Yan ang pahayag ng nag-iisang Miss Universe of all time na naging iconic sa kanyang Lava Walk at gown na sa hanggang ngayon ay wala pa din makatalo sa kanyang pasabog. Kaya best wishes nalang sa future mag-asawang Sam at Catriona na balak din bisitahin ang Albay kung saan ay probinsya ng kanyang mudrakils at dun daw gagawin ang kanilang baby para mas maging hot pa sa maanghang na sili ang resulta ng kanilang honeymoon.

No description available.

MOVIE NI DONNIE PANGILINAN, NGANGA SA TAKILYA, AS IN FLOPSINA?

SA resulta ng pelikula ni Donny Pangilinan ay confirmed na flopsina agad ito sa mga sinehan. Kahit pa malakas ang hatak ni Donato ay di pa rin ito sapat para hilahin sa takilya ang kanyang e games film. Ang chika pa nga ng mga teller sa mga sinehan ay malapit ng i-pull out ito dahil di naman kumita at bokelya sa mga sinehan. Iilan lang nanuod karamihan, pa yung palibreng sine ng LGU para sa mga senior citizen na di naman daw ma-getzing ng mga ito kung ano ang pinapanuod ang dapat sumuporta dito ay ang mga kabataan na mahilig sa online gamings tulad ng sa ML at iba pang laro sa internet.

Kaya di talaga tanggap ang ganitong klase ng pelikula. No winder, nilalangaw sa almost 100 cinema nationwide. Naubos na yata ang budget ng mga Pinoy sa nakaraang taon ng ibuhos ang mga pera nito sa MMFF 2023 na tumabo ng isang bilyon kaya nganga yung mga pinalabas sa unang pagsapit ng taong 2024, katulad ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko na halos parehas lang nilangaw sa takilya. Kaya mas mabuti pang pullout ng mga cinema keysa malugi sa kuryente ang karamihan sa mga nagpalabas ng ganitong pelikula.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *