kaya nalilink sa isa’t isa… KATHRYN BERNARDO AT JERICHO ROSALES, MAY PROJECT NA GAGAWIN?

kaya nalilink sa isa’t isa… KATHRYN BERNARDO AT JERICHO ROSALES, MAY PROJECT NA GAGAWIN?

May be an image of 3 people and text
No description available.
No description available.

TOTOO pala ang balita na may mga gustong manulot kay Kathryn Bernardo sa ABSCBN para i-manage siya after her contract expired last year. At ‘di lang manager ang husto siyang sulutin kundi pati TV network. Pero gaya ng sabi ni Kathryn sa exclusive interview sa kanya ni MJ Felipe, her heart daw is set only on ABSCBN. At never daw niyang inintertain ang thought na umalis sa ABSCBN at lumipat sa ibang network/manager. Once and for all, nilinaw ni Kathryn ang umuusok na balitang may relasyon sila ni Jericho Rosales. Kinuwento ni Kathryn na ang pamangkin ni Jericho na si John Manalo ang kausap niya na mag-jogging. Kasama ni Kathryn si John sa Ang TV ng Kapamilya network. But who knows, it may only be the start ng friendship nila ni Echo. Eh, kasi pag iniisip ang timeline ng pag-amin ni Echo ng hiwalayan nila ng misis niya na si Kim Jones at pagkalat sa socmed ng pictures nila, we smell something fishy.

Sa tagal-tagal na panahon at paulit-ulit na pag-usisa kay Echo sa tunay na estado ng relasyon nila ni Kim, all of a sudden ay biglang nagsalita siya at umaming limang taon na pala silang hiwalay ni Kim. Kaya kung totoong sina Kath at Echo, ‘di na kami magugulat. At kung pagbabasehan ang mga nakalipas na karelasyon ni Echo, parang may pattern ng hitsura, ha. From Kristine Hermosa, (wag na natin isama si Angelica dela Cruz na first girlfriend ni Echo sa showbiz) hanggang kay Kim Jones, lahat sila ay lean ang mga katawan.

At kung may niluluto man na project for Kathryn and Echo, pwedeng-pwede silang pagtambalin. It’s about time na ipartner na si Kathryn sa mas mature actors like Echo and Piolo Pascual. Wish din namin na makatrabaho ni Kathryn ang ex-on-and-off screen partner ni Nadine Lustre na si James Reid. Pero ang choice ni Kathyn ay ang Star For All Seasons na si Vilma Santos, Piolo and Echo. Sabee.

000000OOOOOO00000

No description available.
No description available.

MAYSAKIT na, nawala pa ang maleta ni Arci Muñoz papunta ng Maldives para sa shoot ng movie nila nina Kiray Celis at Janelle Tee, ang Malditas in Maldives mula sa NDM Studios. Dahil nawala amg maleta ni Arci, wala tuloy siyang maisuot even her underwear. Mabuti na lang daw may naitabi siya na underwear sa kanyang hand-carry bag. Ayon kay Arci, “Buti na lang po sanay kami mag-travel. So usually, sa hand-carry naglalagay talaga ako ng extra shirt extra underwear, pang-emergency. Buti na lang may dala kaya ako. So, kapag ka suot ko, lalabhan ko. The next day, susuutin ko ulit. Ang hirap grabe. Kaya nanghiram na lang ako ng ibang damit.” Tapos pag lalabas kami ni Mama, bibili kami. Para doon lang sa two days. Kasi for the rest of the days, hindi kami lumalabas. Kasi nga masama pa ang pakiramdam ko. Si Mama bumili ng mga Maldives na tshirts. Kasi nga pag kakain, kailangang lumabas. Kailangan nila ako’ng pilitin na lumabas para kumain. Para gumaling agad ako. So, ‘yung undies talaga everyday nilalabhan ko,” kwento ni Arci.

With regards naman sa outfits na gagamitin niya for the shoot, mabuti na lang daw may mga dalang bagong extra na swimwear si Kiray na may mga tag pa. Kaya pinapili raw siya doon ni Kiray na gumamit niya sa shoot. Samantala, gagampanan naman ni Kiray ang role ni Padma at si Janelle Tee bilang si Kimble. Ang movie ay kwento sa tatlong matataray na vloggers na ayaw magpakabog sa isa’t isa hanggang malaman nilang paulit-ulit ang buhay nila sa mala-paraisong South Palm Maldives. Sa May, 2024 ipapalabas ang Malditas in Maldives, kung saan si direk Njel de Mesa ang sumulat, nag-produce at nag-direk, sa Japan. Official entry kasi sa Jinseo Arigato International Film Festival.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *