break up effects?! “I’M JUST REALLY HAPPY AND CONTENTED I’M AT PEACE” -KATHRYN BERNARDO

break up effects?! “I’M JUST REALLY HAPPY AND CONTENTED I’M AT PEACE” -KATHRYN BERNARDO

May be an image of 1 person and text that says 'Showbiz PAMORE BY: ROMMEL PLACENTE email add: rommelplacente530@yahoo.'
No description available.
No description available.

AWARE naman si Kathryn Bernardo at naiintindihan niya kung may mga fans na nagtampo at nagalit sa kanya, matapos silang maghiwalay ni Daniel Padilla. Tanggap niya kung may mga supporters sila ni Daniel na nagulat at hindi sumang-ayon sa kanilang paghihiwalay, dahil alam niyang hindi niya kontrolado ang isip at puso ng mga ito. Pero nagpapasalamat siya sa mga fans nila ni Daniel, na hindi bumitiw sa pagmamahal at pagsuporta sa kanya, sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila ng dating ka-loveteam at karelasyon. Masakit at mahirap din para kay Kathryn ang mga naging kaganapan sa personal niyang buhay nitong nagdaang taon pero aniya, indi siya nagpatalo sa pagsubok at naging matapang sa pagbangon at pag-move on.

“Lahat tayo may kanya-kanyang way of coping mechanism sa lahat ng nangyayari. Iba-iba rin siyempre ‘yung fans, ang laking parte nila ng buhay ko, buhay namin. Naiintindihan ko ‘yung iba kung saan sila nanggagaling and naa-appreciate ko lahat ng nandiyan to stay,” ang pahayag ni Kathryn sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa digital series na On Cue. Patuloy pa niya, “Naiintidihan ko ‘yun, lahat ng emotions nila, lahat ng pinagdaanan nila nung month na ‘yun, week na ‘yun. Naiintindihan ko ‘yun but mahirap din sa ‘kin, mahirap din sa amin. Ako ‘yung klase ng tao na ayokong feeling ko hindi ko hawak ‘yung buhay ko, ayoko na may nagdi-dictate sa ‘kin. It was a challenging year for everybody, especially the last quarter, and for the fans as well. Kung ako ‘yung fan din siguro, na kailangan ko rin tanggapin ‘yung decision ng idol ko, kahit alam kong hirap na hirap ka, kasi you love this person so much. So kailangan susuportahan ko ‘yung gusto niya. And binigay nila ‘yun sa akin. Doon ko na-feel na grabe, itong mga tao ‘to, more than their support and anything, nakikita ka nila as tao. Ang galing, ibang klase sila. Nag-thank you ako.’Yun ‘yung ‘di nila pina-feel sa ‘kin na I need to explain anything, they respected that. Slowly, things are getting better,”aniya pa.

Ang punto pa ni Kathryn, “Hindi ko naman sila pinipilit, ibinibigay ko sa kanila ‘yung freedom to decide. But this is me, this is what I want to do. If you’re gonna stay, thank you. If not, thank you pa rin, kasi naging parte ka ng ilang years na ‘yun. If a woman is happy or contented, hindi mo na kailangan i-explain ‘yung sarili mo. It just shows how happy you are and maybe ‘yun ‘yung nakikita ng tao sa ‘yo ngayon. I’m just really happy and contented. I’m at peace,” sabi pa ni Kath sa naturang panayam. Samantala, tungkol naman sa kanyang personal life at career, ang sabi niya, “I just want to experience all these emotions, and kung ano ‘yung makikita nila sa mga gagawin ko, bago ako mag-yes sa isang project, sobra ko ‘yang pag-iisipan. So once I say yes, ibig sabihin naniniwala ako sa project na ‘yun. So kung anuman ‘yung mapagde-decide-an kong gawin, gagawin ko ‘yun all out. Kung anuman ‘yung challenge, I’m ready to take that challenge,” pagtatapos ni Kathryn.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *