MARCO GUMABAO, GANDANG-GANDA KAY CRISTINE REYES PAG BAGONG GISING ITO

MARCO GUMABAO, GANDANG-GANDA KAY CRISTINE REYES PAG BAGONG GISING ITO

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

AYON kay Marco Gumabao, naiintindihan daw niya ang mga pangangailangan ng kanilang mga trabaho bilang mga artista ng girlfriend na si Cristine Reyes. Katunayan, hindi raw big deal para sa kanya na i-partner ang dyowa sa ibang leading men. Hindi raw naman niya kailangang mag-worry as long na open ang communication lines nila ng gf at naroon ang trust nila sa isa’t-isa. Hypothetical namang tinanong si Marco ni Boy Abunda sa Fast Talk kung ano ang gagawin nito sakaling may mga lalakeng umaali-aligid sa dyowa. Pagbibiro naman niya na malamang na magkagulo. Nang magseryoso siya, sinabi niya na babakuran daw niya kung sino man ang magtatangka kay Cristine.

Bilang isang lalake, alam daw naman niya ang moves ng isang guy kung nagkaka-interes ito sa kanyang ghurl. Hindi naman ikinaila ni Marco na napag-uusapan na nila ni Cristine ang tungkol sa kanilang future. Masaya rin daw siya dahil nasa sentro ng kanilang relasyon ang Diyos. Ibinida rin niya na nagkakasundo ang kanilang mga magulang. Katunayan, nakakasama na raw nila ang mga itong mag-dinner. Ani Marco, maganda rin daw ang relasyon niya sa anak ni Cristine from her previous marriage na ngayon ay annulled na. Sa Fast Talk, inamin din niya na siya ang unang nag-I love you kay Cristine. Siya rin daw ang unang sumusuyo at nagso-sorry dito kapag sila’y nagkakatampuhan. Pinakamaganda at most sexy din daw sa kanya si Cristine kapag bagong gising ito at walang makeup.

No description available.

it…,.bulaga!! MOVIE NI PAOLO CONTIS, IRE-REMAKE NG ISANG HOLLYWOOD ACTOR

SIGURADONG pumapalakpak ang mga tenga ngayon ni Paolo Contis dahil added feather to his cap ang achievement ng kanyang pelikulang pinagbidahan na “Ang Pangarap Kong Oskars.” Feeling naka-iskor kasi ang Kapuso actor dahil ang kanyang pelikula ay gagawan ng Hollywood remake ng kilalang American comedian na si Kevin Hart. Siyempre, kung hindi man nakarating sa Oscars ang nasabing horror-comedy ay masasabing jackpot naman ito dahil nagkainteres ang naturang tanyag na Afro-American actor. Si Hart ay kilala sa kanyang roles sa mga pelikulang Jumanji: Welcome to the Jungle (2017) and Jumanji: The Next Level (2019), Undeclared (2001), Scary Movie 3 (2003), Think Like a Man (2012), Ride Along (2014), The Secret Life of Pets (2016), Night School (2018) at iba pa. Ang Pangarap Kong Oskars na iprinudyus ng Mavx Productions at idinirehe ni Jules Katanyag. Tampok din sa pelikula si Joross Gamboa.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *