mahirap nang makahanap ng katapat…. TONI GONZAGA, NAG IISA LAMANG SA PAGIGING HOST NG PBB

mahirap nang makahanap ng katapat…. TONI GONZAGA, NAG IISA LAMANG SA PAGIGING HOST NG PBB

May be an image of 1 person, harp and text
No description available.
No description available.

NAGBABALIK-showbiz na si Toni Gonzaga, dahil nagsisilakihan na ang dalawa nilang anak ni Direk Paul Soriano. Showbiz ang mundo nilang mag-asawa, dahil mahusay ng movie director at mavie producer din si Paul, habang si Toni naman, bukod sa sikat na aktres ay napakagaling na TV sa mga naging programa noon ng ABS-CBN na ipinagkatiwala sa kanya ‘tulad ng Pinoy Big Brother. Ngayong nagbalik na nga si Toni ay umasa ang kanyang mga fans, na kung may isang programa na dapat niyang balikan, iyon ay ang mag-host muli sa PBB.

Pero umiral sa anak ni Mommy Pinty Gonzaga ang delicadeza. Ngayon pa lang ay nagpahayag na siya, na wala na siyang balak na bumalik pa bilang host ng nasabing programa. Delicadeza, dahil sa sinapit ni Toni na kung ano-anong kontrobersiya at panlalait sa kanyang pagkatao simula noong 2022 elections nang maging host siya sa malalaking campaign sorties ng noo’y presidential candidate pa lang na si Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President candidate na si Sara Duterte.

Nagtiis lang si Toni sa mga pagbatikos sa kanya, kay Direk Paul na idinamay na rin basta mga taong malapit sa kanilang pamilya. Kung nakaya niya noon, makakaya pa rin niya ngayon. Bulaklak ng dila ay pinuri ni Toni ang mga naiwang nagho-host ngayon kapag may PBB, ‘tulad nina Bianca Gonzales, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Kim Chiu at Enchong Dee. Pero aminin nating lahat, kakaiba pa rin ang kahusayan mag-host ni Toni para sa PBB. Angat na angat ang galing niya.

No description available.

KAPURI-PURI ang ginawang pagkilala at pagpapahalaga ng mga taong bumubuo sa likod ng EdukSine, dahil sa mga pelikulang nagawa at ambag ni Direk Elwood Perez para sa movie industry. Napakarami niyang nagawa at naidirek na mga pelikula, dahil isa si Direk Elwood sa maraming direktor na nagmarka ang pangalan noong kasagsagan ng masaya at panahon ng maraming paggawa ng mga pelikula. Ito ay kaugnay na rin ng pagdiriwang ng kaarawan ni Direk Elwood. Ang buwan ng Pebrero na birthday month ng pamosong movie director ay pinamagatan nilang “Days Of El Maestro” kung saan mapapanood ang napili nilang makabuluhang pelikula ni Perez, ‘tulad ng “Masarap, Masakit Ang Umibig” at “Nakawin Natin Ang Bawat Sandali” noong February 12 na pinagbibidahan ni Vilma Santos. Sa February 15 ay ipalalabas ang mganpelikulang “Till We Meet Again” at “I Can’t Stop Loving You” ni Nora Aunor. Sa February 21 naman ay ipalalabas ang mga pelikulang “Pakawalan Mo Ako!” at “Ang Totoong Buhay Ni Pacita M.” Ito ay isinasagawa ng EdukSine sa UPFI.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *