ALJUR ABRENICA, DEDMA SA ‘PARAMDAM’ NI KRIS BERNAL

ALJUR ABRENICA, DEDMA SA ‘PARAMDAM’ NI KRIS BERNAL

May be a graphic of 1 person and text that says 'Archies MAX BY: ARCHIE LIAO Email add:artzy02@yahoo.com'
No description available.
No description available.

INAMIN ni Kris Bernal na na-diagnose siya na merong postpartum anxiety pagkatapos niyang manganak sa panganay nilang si Hailee Lucca ng asawang si Perry Choi. May mga pangyayari raw sa kanya na hindi niya maipaliwanag mula nang siya ay maging ina. Ito ang naging pagtatapat niya nang maging panauhin siya ni Boy Abunda sa Fast Talk. “Actually, Tito Boy nagkaroon ako ng postpartum anxiety. I was diagnosed with postpartum anxiety kasi nahihirapan talaga akong mag-adjust pero so far it’s getting better,” aniya. Dagdag pa niya, hindi raw niya naisip na ganoon pala ang pinagdaraanan ng isang bagong ina.

“I think it’s both beautiful and hard. Because I believe in acknowledging the highs and lows of pregnancy and postpartum. Sa totoo lang, nahirapan talaga ako Tito Boy kasi hindi ko in-expect na ganon kahirap. I was enjoying the whole time being pregnant pero hindi ko alam na ang hirap pala kapag nanganak ka na,” pagbabahagi niya. Sey pa niya, halos napabayaan daw niya ang kanyang sarili at nalosyang dahil sa kanyang pagbubuntis sa panganay. “Wala na akong panahon magsuklay, kumain, maligo, ‘yung skincare ko wala na, nakalimutan ko na. Actually everything stopped talaga. I stop vlogging, ‘yung social media ko halos wala ka nang makitang bago kasi nga parang nagbago talaga ‘yung mundo ko,” esplika niya.

Gayunpaman, sa kabila ng lahat, hindi raw naman niya pinagsisisihan ang pagiging isang ina lalo pa’t nawawala naman ang lahat ng pagod niya kapag nakikita na niya ang kanyang ánghel.’ “’Yung highs siyempre ‘yung baby ko. Kahit mahirap, kahit walang tulog, ‘yung alam mong nandyan may baby ka, alam mo ‘yung blessed ka with a child kasi not everyone naman nabi-bless ka nang ganito,” ani Kris. “Kaya very thankful talaga ako pero ‘yun ang pinakamasarap na feeling na kapag nakikita ko na hinahanap ako ng baby ko, very clingy siya sa akin. So, iyon iyong balik na happiness,” pahabol niya. Sa naturang tsikahan, sinabi rin niya na inihahanda na niya ang sarili sa pagbabalik-trabaho after giving birth last August 30 last year. Tungkol naman kay Aljur Abrenica na dati niyang screen partner at ka-love team, tine-text daw niya ito noong baby shower ng anak pero nananatiling dedma lang daw ito sa kanya.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *