‘madilim’ na kaarawan…. FRANCIS MAGUNDAYAO, ‘BINULAG’ SA MISMONG ARAW NG KANYANG KAPANGANAKAN

‘madilim’ na kaarawan…. FRANCIS MAGUNDAYAO, ‘BINULAG’ SA MISMONG ARAW NG KANYANG KAPANGANAKAN

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

FIRST time raw nakatrabaho ni Francis Magundayao ang actress na si Nadine Lustre sa isang proyekto via Viva Studio series Road Killers at sobrang napabilib daw ito sa mahusay aktres. Kuwento nga ni Francis sa ginanap na screening, na napahanga siya ng aktres sa bilis nitong makawala sa role na kanyang ginagampanan sa proyektong pinagsasamahan nila. Sana nga daw ay magaya niya si Nadine na ayon dito ay talaga namang mahusay na aktres. Isa sa eksena nga na hindi malilimutan ni Francis sa Road Killers ay ang paglagay ng prostethics sa kanyang mata dahil kailangan ito sa eksena kung saan binulag at dinukot ang kanyang mata. Tamang-tamang araw pa naman daw yun ng kanyang kaarawan at tumagal daw ang nasabing eksena ng walong oras na wala siyang makita. Bukod kay Nadine ay makakasama din ni Francis sa Road Killers sina Jerome Ponce, Bodgie Pascua, Allan Paule atbp. sa mahusay na direksiyon ni Rae Red, hatid ng Viva Studio at mapapanood sa March 1 sa Viva One.

MASAYA ang singer/composer na si Nolo Lopez dahil ang kantang ginawa nito at inawit nila ng Pinay International na si Jos Garcia entitled Hanggang Dulo ay humamig na ng two thousand streams sa spotify. Maaalalang si Nolo ay naging finalist ng The Clash season 1 at Tawag ng Tanghalan, winner din ito ng 8 Gold Medals sa World of Performing Arts at nakapag record na rin ng ilang kanta. Post nga nito sa kanyang facebook “Mula Sa Puso, Aasa Ako. #HanggangDuloJosXNolo Mga lablab maraming salamat sa lahat ng nag stream ng aking bagong sinulat na kanta para sa amin ni Lodi Miss Jos Garcia! We reached more than 2k Spotify streams in 1 day! Pls continue streaming po.” Ang kantang Hanggang Dulo nina Nolo Lopez at Jos Garcia ay mula mismo sa komposisyon at panulat ni Nolo Lopez at hatid ng Stardom Music Production. Bukod nga sa nasabing awitin ay very proud si Nolo na nakasama niya sa konsiyerto si Jos na ginanap sa Papa Dongs Restobar & Events Place.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *