UMAASANG MAPAPATAWAD NG MGA KATHNIEL FANS SI DANIEL PADILLA

UMAASANG MAPAPATAWAD NG MGA KATHNIEL FANS SI DANIEL PADILLA

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA mensahe ni Daniel Padilla sa kanyang fans ay parang nanghingi pa ito ng sorry dahil sa kanilang break up ni Kathryn Bernardo last year. Kung saan ay natapos na ang isang dekada ng kanilang pagmamahalan at samahan bilang no.1 labtim pero ang hirit pa ni DJ sa kanyang mga faney na gigil na gigil sa kanilang hiwalayan blues ay; “Wala pa rin fans club na makakatalo sa Kathniel, sorry but its true.”

Yan na lang ang kanyang nasabi dahil umaasa pa din na patatawarin at uunawain ang kanilang sitwasyon bilang tao na lang at hindi bilang isang artista. Tama nga naman itong si Daniel Padilla na magpakatao at tanggapin ang kamalian dahil di naman perpekto ang buhay ng isang tao, minsan nadadapa, natatalo at nanalo kaya maganda itong mensahe niya sa mga tagahanga na nagpapasalamat at di niya makakalimutan ang mga panahong masaya sila ng kanyang ex na si Kathryn.

Ang importante tumayo ulit silang dalawa di nagpadala sa mga pagsubok tingnan mo nga naman itong si Kathryn B.halos buong EDSA na ang mga billboard kaliwat kanan nakahilera sa Cubao hangang Pasay sobrang blessings ang dumating sa kanya. Pati mga pelikula ay patok sa takilya kaya kahit pa heartbroken ito swerte naman ang karir habang si Daniel naman ay pumirma ng bagong kontrata sa ABS CBN, kaya di mo masasabing sira na ang kanilang karir sa showbiz kahit magkahiwalay na sila ng landas.

Isa lang ang importante sa ganitong sitwasyon ang ipagpatuloy ang kanilang buhay at pasayahin ang mga milyong milyong tagahanga na naniwala pa din sa kanilang kakayahan bilang artista. Tutal sanay naman silang magplastikan, di sa screen na lang sila maglambingan at hayaan ng mag delulu ang mga fans na sila’y nagkabalikan, di ba? Sa ngayon, mas madami ang kumampi kay Kathryn at mas pipiliin pa din nila ito keysa isang babaerong bolero at di nang-iiwan sa ere, ayon pa sa karamihan ng mga Kathniel fans around the world, na labis nasaktan sa kanilang iconic break-up of the decade.

No description available.
No description available.

PINAY ANG GRAND WINNER NG DRAG RACE UK NGAYONG TAON

MARAMI ang nagulat sa unang araw ng Chinese New Year ng Wooden Dragon dahil may pasabog ang pambato ng Pinas na si Marina Summers ng Drag Race UK versus The World, kung saan nga ito tinanghal na grand winner sa naturang BBC channel sa London. Kaya namayagpag ang bandila ng isang tunay na Pilipina sa international stage ng mundo ng LGBTQ+ community. Pati si Anne Curtis ay agad agad nagpaabot ng pagbati dahil ang version nito na I am Kabogera na kinanta ni Maymay Entrata ang kanyang winning piece sa naturang Drag Race na sinabi pa ni Marina Summers na; “I wanna show the universe rather the world of drag race that I am a true blooded Filipina winnah!”

Tuwang tuwa mga OFW sa British Empire lalo na uso pa naturang bansa ang di maayos na trato sa ating mga kababayan na laging inaalipin at laganap pa ang diskriminasyon. Kaya kahit paano ay makapagtaas ng kanilang noo ang mga Pinoy na laging iniisnab ng mga taga Britanya. Kahit pa anong pagsubok pa yan ay kayang maabot ng isang Pilipina ang tagumpay kung ikaw ay isang talented at world class gaya ni Lea Salonga na umingay at nagdala ng parangal sa buong daigdig ng musical sa London at New york, 20yrs ago. Kahit hangang sa ngayon ay di pa rin kumukupas ang kinang sa entablado.

Dapat salubungin natin ang ating reyna sa pag-uwi nito sa pilipinas lalo pa ngayon lang ulit tayo nanalo sa ganitong patimpalak na puno ng diskriminasyon at kayang ilaban ang Pilipinas sa buong mundo. Halos umabot sa 50K pounds ang napalanuhan ni Marina Summers o 3.4 Milyones na pesoses, kaya ito na yata ang pinakamalaking papremyo sa lahat ng drag race kung ikumpara mo sa France, Holland, Britain, Espanya, Australia at sa Pinas. Jackpot na jackpot ang bagong kabogera ng drag race ininvite na nga ito sa ibat ibang show sa mga bansang may version ng naturang show. Kaya abangan na lang ng ating mga LGBTQ+ community ang update kay Marina Summers na magiging icon sa mundo ng mga trans.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *